Gladys Reyes, ibinahagi ang kanyang litrato noong sumali siya sa Little Miss Philippines 1984

Gladys Reyes, ibinahagi ang kanyang litrato noong sumali siya sa Little Miss Philippines 1984

- Ibinahagi ni Gladys Reyes ang isang throwback picture na kuha noong 1984

- Pitong taong gulang siya nang tanghaling 1st-runner up sa Little Miss Philippines

- Umani ng samu't-saring reaksiyon ang nasabing litrato ni Gladys na kanyang ibinahagi sa Instagram

- Nakilala si Gladys sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida roles kabilang na sa Mara Clara na pinagbidahan ni Judy Ann Santos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Gladys Reyes ang isang throwback picture niya na kuha noong siya ay pitong taong gulang pa lamang.

Ibinahagi niya ang nasabing litrato na kuha nang tanghalin siyang 1st runner-up sa Little Miss Philippines noong 1984.

Umani ng samu't-saring reaksiyon ang nasabing picture.

"Itodo na natin ang throwback..When I was 7 y.o. joining the very first batch of Little Ms. Philippines in EatBulaga and Little Ms. Ybuds," aniya sa caption ng nasabing litrato.

Marjorie Barretto, binanatan si Jay Sonza kaugnay sa nilabas nitong balita tungkol sa anak

Bukod kay Gladys, ilang kilalang personalidad na rin ang naging bahagi ng nasabing patimpalak sa Eat Bulaga kagaya na lamang nina Julie Anne San Jose, Catriona Gray, Pauleen Luna at Jillian Ward.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Gladys Sommereux o mas kilala sa kanyang screen name na Gladys Reyes ay isang Pinay aktres.

Gladys Reyes, ibinahagi ang kanyang litrato noong sumali siya sa Little Miss Philippines 1984

Gladys Reyes (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Si Gladys ay sumikat dahil sa kanyang epektibong pagganap sa mga kontrabida roles. Isa siya sa pinakatinitingalang pinakamahusay na kontrabida sa mundo ng showbiz sa Pinas.

Ang kanyang pagganap bilang si Clara sa teleseryeng Mara Clara ang naging daan sa kanyang pagsikat sa pag-arte. Gumanap siya bilang kontrabida sa nasabing serye na pinagbidahan ni Judy Ann Santos na umere sa ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ogie Diaz, pinayuhan si Jay Sonza kaugnay sa paglabas nito ng balita tungkol kay Julia Barretto

Kinalaunan, lumipat siya sa GMA-7 kung saan nabigyan naman siya ng iba't-ibang oportunidad at TV shows. Kamakailan, ipinagtanggol ni Gladys ang asawang si Christopher Roxas matapos mabatikos ito kaugnay sa isyu ng pagsasara ng ABS-CBN.

Nagpaliwanag din ang aktres matapos umani ng mga reaksiyon mula sa mga netizens ang isang video ng kanyang bunsong anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel