Japanese actress na si Ashina Sei, natagpuang patay sa kanyang apartment

Japanese actress na si Ashina Sei, natagpuang patay sa kanyang apartment

- Natagpuang patay si Ashina Sei, isang kilalang aktres sa Japan, sa kanyang apartment sa Tokyo noong Lunes, September 15

- Ayon sa pulis at sa agency ni Ashina, kumpirmadong nagpakamatay ang aktres sa edad na 36

- Walang iniwang sulat si Ashina bago magpakamatay at ang kanyang kapatid na lalake ang nakakita ng kanyang walang buhay na katawan

- Bumisita ang kanyang kapatid sa kanyang apartment dahil hindi na ito sumasagot sa kanyang mga phone calls at text messages

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Chanel 2010-2011 F/W Pret-A-Porter Catwalk Show

Actress Sei Ashina attends the Chanel 2010-2011 Fall/Winter Pret-A-Porter collection show at Yoyogi National Gymnasium on June 23, 2010 in Tokyo, Japan.
Source: Getty Images

Si Ashina Sei, isang kilalang aktres sa Japan, ay natagpuang patay sa kanyang apartment sa Tokyo noong Lunes, September 15, ayon sa ulat ni Greg Evans para sa Deadline.

Sinabi ng pulis at ng agency ni Ashina na kumpirmadong nagpakamatay ang aktres sa edad na 36.

Ayon sa report ni Mark Schilling para sa Variety, walang iniwang sulat si Ashina bago magpakamatay at ang kanyang kapatid na lalake ang nakakita ng kanyang walang buhay na katawan.

Bumisita ang kanyang kapatid sa kanyang apartment dahil hindi na ito sumasagot sa kanyang mga phone calls at text messages.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ipinanganak si Ashina Sei noong November 22, 1983. Nakilala siya sa kanyang mga TV dramas at mga pelikula.

Ang ilan sa kanyang mga proyekto ay “Yae no Sakura,” “Silk,” “Theseus no Fune” at “Aibo: Tokyo Detective Duo,” ayon sa report ng Japan Today.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kahapon lamang ay ini-report ng KAMI na si Oh In-Hye, isang aktres sa South Korea, ay pumanaw ngayong araw sa edad na 36. Ayon sa isang police spokesperson, maaaring inatake siya sa puso matapos subukang kitilin ang sariling buhay.

Noon namang nakaraang taon, nabulabog ang South Korea sa pag-panaw ng aktres at K-Pop star na si Sulli. Base sa imbestigasyon, kinitil ng aktres ang kanyang buhay.

Kamakailan din ay pumanaw ang aktor na si Cha In Ha sa edad na 27. Hindi na inilabas ng awtoridad ang dahilan ng maagang pag-panaw ng nasabing aktor.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel