Mayor Isko Moreno: Mga sementeryo sa Maynila, sarado ngayong Undas
- Inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na pansamantalang isasara ang lahat ng sementeryo sa siyudad simula October 31 hanggang November 3
- Ito ay upang maiwasan ang hawaan ng nakamamatay na coronavirus sa Undas
- Humingi naman ng paumanhin ang pang-unawa ang alkalde sa kanyang mga nasasakupan na hindi raw madadalaw ang mga yumaong mahal sa buhay sa araw na iyon
- Nilinaw naman ni Mayor Isko na ito ay para na rin sa kaligtasan ng lahat
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Pinirmahan na ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang Executive Order No. 38 na nag-uutos ng pansamantalang pagsasara ng lahat pampubliko at pribadong sementeryo sa siyudad.
Mangyayari ito mula October 31 hanggang November 3 ngayong taon sa pag-alala ng mga Pinoy sa mga yumaong mahal sa buhay o Araw ng mga Patay.
Sa isang Facebook post, humingi ng paumanhin at pang-unawa si Mayor Isko sa kanyang mga nasasakupan kaugnay nito.
Ang aksyong ito ng alkalde ay upang maiwasan ang hawaan ng nakamamatay na coronavirus.
Nilinaw naman ni Mayor Isko na ito ay para na rin sa kaligtasan ng lahat.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"Pinirmahan po natin ngayong araw ang Executive Order No. 38 kung saan ipinag-uutos po natin ang pansamantalang pagsasara ng lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo mula October 31 hanggang November 3.
"Kaya ko po ito ginagawa ngayon, para mabigyan kayo ng sapat na panahon ng humigit kumulang dalawang buwan na mabisita ang inyong mga mahal sa buhay na nahimlay sa mga pribado at pampublikong sementeryo.
"Patawarin niyo po ako kung sakaling masasaktan ko ang inyong damdamin na hindi makita ang inyong mga mahal sa buhay sa partikular na panahon na iyon. Inagapan namin na makabisita po kayo sa panahon ngayon.
"Tayo po ay nasa GCQ. Ibig sabihin, may mga panahon, mga araw, oras na hindi natin kailangan magsiksikan, magpahirapan sa pila, na mabisita ang mga mahal sa buhay sa kani-kanilang mga pribadong sementeryo o kolumbaryo, o sa mga pampublikong sementeryo.
"Hinihingi ko po ang inyong pang-unawa. Ito na rin ay para sa inyong kaligtasan."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay ang ika-27 mayor ng siyudad ng Maynila.
Bago ito naging politiko ay isa itong aktor na sumikat sa programang "That's Entertainment" ni German Moreno.
Kamakailan lang, inanunsyo ni Mayor Isko ang pabuyang P100K na walang maitatalang kaso ng COVID-19 sa loob ng dalawang buwan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh