Guro na nagawang i-edit ang larawan ng pangulo, humihingi ng kapatawaran
- Humihingi ng kapatawaran ang isang guro na nagawang i-edit ang larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte
- Hindi talaga katanggap-tanggap ang pagkaka-edit niya ng larawan ng pangulo na tila nagmistulang aso
- Humihingi rin ng kapatawaran ang guro sa kanyang mga pamilya, kaibigan at lalong-lalo na sa kanyang mga ka-trabaho
- Pakiusap din niyang huwag nang idamay pa ang mga ito gayung siya lamang naman ang nakagawa ng pagkakamali
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ilang oras matapos maging usap-usapan ng edited na larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte, naglabas na agad ng pahayag ang nasa likod ng meme na ito.
Nalaman ng KAMI isang guro na nagngangalang Laarni Villaluz ang nag-edit ng larawan ng pangulo na orihinal na kuha nang nagawa nitong humalik sa lupa sa Sulu nang bisitahin niya ito noong Linggo, Agosto 30.
Matapos na ma-edit ang gawing isang meme tungkol sa pagkain ng aso, nai-share ito ng guro sa isang Facebook group na kanyang kinabibilangan.
Dahil dito, mabilis na kumalat ang naturang meme na hindi katanggap-tanggap at kinakitaan ng kawalan ng respeto sa pinuno ng bansa.
Agad na naglabas ng pahayag ang guro sa pamamagitan ng isang Facebook post at humingi ng kapatawaran sa kanyang nagawang pagkakamali.
"First of, I want to apologize to our President for inappropriately posting the said meme in a specific group. I am humbly asking for your acceptance of my apology, Mr. President. I know this has caused too much and too bad. I am really sorry po at hindi po ako nag isip. This was literally a hundred percent sign of disrespect. I am really sorry po," bungad ng guro sa kanyang post.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Humingi rin siya ng kapatawaran sa kanyang pamilya na 'napahiya' rin daw umano sa kanyang nagawa.
Maging sa Department of Education ay humingi tin siya ng dispensa lalo na at tila nakaladkad pa ang ahensya dahil sa nagawa ng guro sa larawan ng pangulo.
"To my Workplace, I know this has caused so much damage. Pasensya na po sa lahat. Especially sa admin who have been receiving lots of bashing. I will fix this po," pahayag niya sa mismong pinapasukang paaralan.
Nagawa rin niyang mag-sorry sa kanyang mga estudyante at aminado siyang nabago ang pagtingin ng mga ito sa kanya.
Pinakiusap din niyang siya na lamang ang haharap sa lahat ng pambabatikos at huwag na ang mga tao o grupo na may kaugnayan sa kanya gayung siya lamang ang nakagawa ng pagkakamali.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
Samantala, patuloy pa rin ang Kagawaran ng Edukasyon sa paghahanda para sa pagbubukas ng klase sa Oktubre.
Ang ilang guro, nagpakita ng doble-dobleng sakripisyo maisulong lamang ang pagkatuto ng kanilang mga estudyante sa kabila ng pandemya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh