Mga sundalong Muslim na tinulungan ang sugatang pulis, umani ng papuri

Mga sundalong Muslim na tinulungan ang sugatang pulis, umani ng papuri

- Umani ng papuri ang dalawang sundalong hindi nagdalawang isip na tulungan ang sugatang pulis

- Di man naka-uniporme, sumaklolo pa rin ang dalawang korporal kahit wala sila sa duty nang mga oras na iyon

- Napag-alaman pang mga Muslim ang dalawang sundalong sibilyan habang Kristyano naman ang pulis na kanilang tinulungan

- Ang larawang ito ay patunay lamang daw na hindi relihiyon ang problema sa Sulu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mga sundalong Muslim na tinulungan ang sugatang pulis na Kristyano, hinangaan
Photo (from Wikipedia Commons)
Source: UGC

Viral ang larawan ng isang pulis na sugatan habang inaalalayan ito ng sinasabing dalawang sundalo.

Nalaman ng KAMI na ang dalawang sibiyan ay pawang mga korporal na kahit hindi naka-uniporme at hindi naka-duty ay hindi nagdalawang isip na tumulong sa mga nabiktima ng pagsabog sa Jolo, Sulu kamakailan.

Ayon sa post ng Tausug Hugot patunay lamang daw ang larawan na ito na hindi relihiyon ang problema sa kanilang lugar.

Kinilala ang dalawang sundalo na sina Cpl.Abie Asdi at Cpl.Gapur Saddama.

Maging ang mga netizens ay naantig ang puso sa larawan na nagpapakita ng pagkakaisa ng mga Pilipino at ang pagmamalasakit sa isa't isa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"I salute both of you mga sir na malambot ang puso niyo na tumulong sa kapwa niyo sundalo"
"Tulong-tulong tayo mga kasama mahuli yung nagpasabog, wala na talaga sila pinipili tao, kristiyano o muslim, iisa ang dugo natin Pilipino tayo."
"Yan ay isa sa mga patunay na kaming mga muslim ay may ginintuang puso, pag unawa at pagmamahal sa ibang lahi.Hindi lang sarili naming kapakanan ang iniisip kundi ang kaligtasan din ng bawat tao na nangangailangan ng tulong."
"Pagpupugay ko sa dalawang army corporal, patunay na dapat kayong pagkatiwalaan ng ating pamahalaan.... salute!"
"Patunay lang na hndi lahat ng muslim masama tulad ng iniisip ng nakakarami. Saludo po ako sa inyo sir."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa panahong dinaranas natin ang pandemya, maituturing nating mga frontliners ang mga pulis at sundalo.

Tulad ng mga medical frontliners tulad ng mga doctor at nurse at iba pang health workers, may mahalagang gampanin din ang mga sundalo at kapulisan upang matiyak ang ating seguridad sa labang ito kontra COVID-19.

Ang ilan, patuloy pa ring nagbubuwis ng buhay sa mga di inaasahang engkwentro habang ang iba naman ay pagmamalasakit at pagtulong din ang nagagawa sa mga kababayan nating kapos-palad.

Patunay lamang na ang mga sundalo at kapulisan ng bansa ay maituturing na mga makabagong bayani na magsilbi sanang inspirasyon lalo na sa mga kabataan ng kasalukuyang henerasyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica