Tindera ng gulay, naitaguyod ang nasa 30 na pamangkin dahil sa paglalako
- Hinangaan ang isang tindera ng gulay na ilang dekada nang ito ang ikinabubuhay
- Ito lamang ang kanyang pangunahing ikinabubuhay ngunit natutulungan pa niya ang malaking miyembro ng kanyang pamilya
- Katunayan, huli na nga nang siya ay bumuo ng sarili niyang pamilya dahil sa pagtulong
- At kahit may sarili nang pamilya patuloy pa rin siyang susuporta sa kanyang mga kaanak kung kinakailangan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hindi matatawaran ang kasipagan ng isang tindera ng gulay sa Maynila na si Julie Obediente.
Nalaman ng KAMI na dekada 80 pa nang magsimulang maglako si Nanay Julie ng mga gulay, isda, manok at karne.
Ibinahagi ng Facebook page na Don Ramon Bagatsing ang kahanga-hangang kwento ng buhay ng 54-anyos na tindera.
Sa kanya noong murang edad, nagsimula na siyang maglako lalo pa at 12 silang magkakapatid.
Nang magkaroon na ng pamilya ang kanyang mga kapatid, tinutulungan na rin niya ang nasa 30 niyang mga pamangkin gayundin ang mga apo niya.
Ang nakamamangha pa kay Nanay Julie, may naisusubi pa rin siyang pera matapos pa niyang makapagbayad sa kanyang pinagka-utangan.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Hindi man kapani-paniwala ngunit sa sipag at tiyaga ni Nanay Julie, nairaraos niya ang pangangailangan ng malaki nilang pamilya.
Katunayan, huli na nang magkaroon ng sariling pamilya si Julie dahil na rin sa pagtulong niya sa mga kaanak.
At dahil sa nakaka-inspire na kwentong ito ng tindera, nakalikom pa ang nasabing Facebook page ng tulong para sa napakasipag na negosyante.
Kung dati na maliit at halos bulok na kariton ang gamit ni Nanay Julie, pinagkalooban na siya ng mas malaki at yari sa matibay na bakal na push cart. Pinuno na rin ito ng mga paninda tulad ng sariwang manok, gulay, prutas at isda.
Malaking bagay ang paglalakong ito ng tindera lalo na at nililimitahan ang madalas na paglabas ng mga tao.
Maswerte ang kanyang madadaanan at hindi na kailangan magpunta pa sa palengke dahil halos lahat ng rekadong pang-ulam ay nasa kariton na niya.
Bukod dito, inabutan na rin si Nanay Julie ng karagdagang puhunan sa kanyang munting negosyo na marami naman ang natutulungan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tulad ni Nanay Julie, marami sa ating mga kababayan ang patuloy na nagsusumikap para lamang maitawid ang pang-araw araw napamumuhay.
Maswerte pa nga si Nanay Julie na marami siyang kaanak na nakakasama pa rin hanggang ngayon di tulad ng iba na nagkukumahog na nga sa trabaho, namumuhay pang mag-isa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh