Anak, hindi iniwan ang nag-aagaw buhay na ina sa ospital sa kabila ng banta ng COVID-19
- Isang anak ang lakas-loob na binantayan ang inang may leukemia at nag-agaw buhay sa opital
- Sa kabila ng banta ng COVID-19, hindi nagdalawang-isip ang anak na bantayan ang ina masiguro lamang na maasikaso niya ito sa ospital
- Siya na rin ang nag-donate ng dugo na kailangan ng ina kahit aminadong takot siya at unang pagkakataon niya itong gagawin
- Kulang pa raw ang kanyang mga nagawang ito sa ina kumpara sa mga sakripisyong nagawa nito sa kanilang magkakapatid
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakakaantig ng puso ang kwento ni Catherine Borcelo kung paanong hindi niya iniwan ang nag-agaw buhay na ina sa ospital sa kabila ng banta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Nalaman ng KAMI na Disyembre ng nakaraang taon nang makumpirmang may isang uri ng leukemia ang ina ni Catherine na si Colita Plandes.
Bumuti naman daw ang lagay nito mula nang malaman ang karamdaman ngunit noong Agosto 15, hindi naging maganda ang lagay ng ina na siyang naging dahilan para mahirapan siyang huminga.
Agad nila itong isinugod sa ospital. Natanggihan pa sila sa unang pagamutan na pinagdalhan sa ina dahil sa kawalan ng ventilator kaya naman dinala na nila ito sa Philippine Heart Center (PHC).
Lalong tumindi ang pagsubok nina Catherine dahil isa ang PHC sa mga ospital na tumatanggap ng mga COVID-19 patients.
Ngunit sa kabila ng posibilidad na maari silang mahawa sa virus, pinakiusap na lang ni Catherine na pagalingin ang ina ng naturang ospital.
At dahil narin sa patuloy na paglaganap ng COVID-19, mas naging strikto ang ospital na isa lamang ang maaring magbantay sa pasyente at hindi maari ang may kapalitan.
Ang mahirap pa rito, dahil nasa intensive care unit ang ina, walang ibang lugar na pwedeng pwestuhan ni Catherine kundi sa labas ng ospital.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Matiyaga siyang naghihintay araw-araw sa pagtawag sa kanya ng nurse o doktor para maasikaso ang ina.
At matapos ito, tinitiis niyang matulog sa malamok at masikip na upuan ng ospital lalo na at ilang araw na walang malay ang ina.
Makalipas ang ilang araw, ipinatawag na lamang siya ng nurse at sinurpresa na lamang siya ng ina na wala na pala itong tubo sa katawan at nakagagalaw na ito ng marahan.
Nagbunga ang mga sakripisyo ni Catherine para sa pinakamamahal na ina subalit patuloy pa rin ang kanyang pagpapagaling.
Isa si Catherine sa mga nawalan ng trabaho ngayong pandemya kaya naman laking pasalamat niya sa mga kaibigang tumutulong sa kanya.
Dumidiskarte na rin siya ng mapapagkakitaan subalit kumakatok pa rin sa mga mabubuting puso na kayang magpaabot ng tulong para sa bill sa ospital ng kanyang ina.
Narito ang kabuuan ng kanilang video mula sa programang Juan Love ng GMA:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Malaking hirap at pasakit ang dala ng COVID-19 sa bawat isa sa atin lalo na kung ang mismong mahal natin sa buhay ang tamaan nito.
Matatandaang isang ina ang ninais pa na magkaroon siya ng virus para lang maalagaan ang anak na unang nagpositibo sa virus.
Mayroon ding ina na nagawang mamaalam sa anak na labis na pinahirapan ng virus bago ito tuluyang mamaalam sa mundo.
Ilan lamang ito sa mga "kwentong COVID-19" na kumurot sa ating puso. Sa ngayon, wala nang ibang hiling ang bawat isa kundi ang masupil na ang pagkalat ng virus upang makabalik na sa normal ang mundo.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh