Doktor, napuno na sa pagsisinungaling ng ilang COVID-19 positive
- Hindi na naiwasang mag-rant ng isang doktor matapos madiskubre na isa na namang pasyente nila ang nagsinungaling sa kanila
- Ayon sa doktor na si Dra. Charley Matias, isang buntis na pasyente ang itinago na siya ay COVID-19 positive
- Dahil dito, na-expose hindi lang ang mga frontliners kundi maging ang iba pang mga pasyente na walang COVID-19
- Dahil din dito, napilitan silang limitahan muli ang pagtanggap ng mga pasyente at makatulong sa iba pang may sakit
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Tila punong-puno na ang isang doktor na 'di na napigilan pang mag-rant sa social media matapos madiskubre na isa na namang pasyente ang nagsinungaling sa kanila.
Ayon sa doktor na si Dra. Charley Matias, isang buntis na pasyente ang itinago na siya ay COVID-19 positive.
"We just had ANOTHER patient LIE to our faces about her CONFIRMED COVID POSITIVE (via swab test) result which she already knew almost a WEEK PRIOR TO ADMISSION. She already gave birth this morning," anito sa isang post na ibinahagi ng netizen na si Chie Mercader.
Dahil dito, na-expose hindi lang ang mga frontliners kundi maging ang iba pang pasyente na walang COVID-19.
"She exposed not just the healthcare workers but the non covid patients as well because she was placed in the “clean” area of our recovery room," sabi pa ni Dra. Matias.
Kinailangan din na magsagawa ng contact tracing sa mga taong nakasalamuha nito. Isinarado at nag-disinfect na rin sila ng mga lugar na pinagdalhan sa pasyente.
Pero ayon sa doktor, sa kabila ng pagsisinungaling ng pasyente ay tinanggap pa rin nila ito at tinulungan.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"Tinulungan pa rin namin siya. Tinanggap namin yung pasyente. Hindi naman namin siya tinaboy. It’s just that right now we would have to isolate her and take all precautions needed - retracing who she’s been in contact with and what areas she was in. We’re still taking care of her," ayon sa post.
Ngunit dahil sa pangyayari, napilitan silang limitahan muli ang pagtanggap ng mga pasyente at makatulong sa iba pang may sakit.
"So nawalan kami bigla ng abilidad na makapag admit uli ng pasyente.
"So mababawasan na naman ng kapasidad ang isang DOH hospital na makapag admit ng pasyente.
"So mababawasan na naman kami ng oportunidad para makatulong.
"So magsisinungaling ka pa rin ba? Magsisinungaling ka pa rin ba, Pilipinas?
"Tulungan nyo naman kami," anito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Labis na ikinainis ng mga netizens ang balitang ito mula sa isang frontliner. Ngunit hindi ito ang unang beses na may mabalitang pasyente na nagsinungaling ukol sa kanilang COVID-19 results.
Samantala, dati nang naiulat na isang computer shop ang nahuling nangdodoktor ng mga COVID-19 results na binatikos ng marami.
Isa namang babae na COVID-19 positive ang tumakas at nakipaghabulan pa!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh