Arnold Clavio, trending matapos ang pag-amin ni Sarah Balabagan

Arnold Clavio, trending matapos ang pag-amin ni Sarah Balabagan

- Trending sa social media ang batikang Kapuso broadcast journalist at host na si Arnold Clavio

- Ito ay matapos isiwalat ni Sarah Balabagan na si Clavio ang tunay na ama ng kanyang 21-anyos na anak

- Matapos nga ang mahigit dalawang dekada ay tinuldukan na ni Balabagan ang mga haka-hka tungkol sa kung sino ang ama ng kanyang panganay

- Ikinawindang naman ito ng mga netizens at nagkaroon ng sari-saring reaksyon ukol sa isyu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos bumulaga ang nakakawindang na rebelasyon ni Sarah Balabagan, ang dating OFW na naging kontrobersyal matapos mahatulan ng kamatayan sa United Arab Emirates, trending sa social media si Arnold Clavio.

Arnold Clavio, trending matapos ang pag-amin ni Sarah Balabagan

Photo from Facebook
Source: Facebook

Ito ay matapos isiwalat ni Balabagan na si Clavio ang ama ng kanyang 21-anyos na anak.

"Kaya ko to ginagawa dahil after 22 years, lumabas na naman. Sabi nga nila, walang bahong hindi lalabas. Hindi naman po ako nalungkot dahil by God’s grace, masaya na ako sa buhay ko," anito.

"Ang ama po ng panganay ko ay yes, si Arnold Clavio po," pag-amin nito.

Batay kay Balabagan sa pamamagitan ng Facebook live, nagkaroon sila ng relasyon ni Clavio noong 1996 hanggang 1997.

Kwento nito, una niyang nakilala ang batikang mamamahayag noong kasama itong bumisita sa kanya habang siya ay nakapiit sa UAE.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nang maabswelto sa hatol at makauwi sa Pilipinas noong 1996 ay isa rin daw si Clavio sa mga nag-cover sa kanyang istorya.

Dito na raw sila naging close at nagkapalagayan ng loob hanggang sa humantong na nga sa isang relasyon.

Aniya, nais lamang niyang tuldukan na ang mga haka-haka tungkol sa totoong ama ng kanyang panganay na anak.

Sari-sari naman ang naging reaksyon dito ng mga Pinoy netizens na talaga namang ikinagulat ang balitang ito.

Mayroong nagpakita ng suporta kay Igan ngunit mayroon din namang kumuwestyon sa nagawa nito.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang pahayag ang Kapuso journalist ukol sa mainit na isyung ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang Facebook live noong August 21, inamin mismo ni Sarah Balabagan na si Arnold Clavio ang ama ng kanyang panganay na anak.

Nilinaw naman nito na alam ng asawa ni Clavio ang nangyari at naging relasyon niya rito.

Malaki raw ang pasasalamat niya sa maybahay ni Clavio na pinatawad na rin naman daw siya sa kabila ng kanyang naging kasalanan dito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel