Naaagnas at nangangamoy na bangkay ng mag-ina, nadiskubre sa Bulacan

Naaagnas at nangangamoy na bangkay ng mag-ina, nadiskubre sa Bulacan

- Naaagnas na ang mga bangkay ng isang mag-ina nang matagpuan sila sa loob ng kanilang tahanan sa Hagonoy, Bulacan

- Inireklamo raw ng mga kapitbahay ang masangsang na amoy na nagmumula rito

- Ayon sa pulisya, tinatayang nasa apat hanggang limang araw ng patay ang mga biktima

- Inaalam pa kung ano ang dahilan ng ikinamatay ng mga ito ngunit isinantabi na ang anggulo ng pagnanakaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Naaagnas at nangangamoy na nang madiskubre ng kanilang mga kaanak at barangay officials ang mga bangkay ng isang mag-ina sa kanilang tahanan sa Hagonoy, Bulacan.

Ayon sa report ng 24 Oras at PhilStar, kinilala ang mga biktima na sina Carmelita Tungol, 68-anyos at anak nito na si Grace Tungol, 43-anyos.

Naaagnas at nangangamoy na bangkay ng mag-ina, nadiskubre sa Bulacan
Screen grab from 24 Oras
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Inireklamo raw ng mga kapitbahay ang masangsang na amoy na nagmumula sa bahay ng mga ito sa barangay.

Ang mga kaanak naman ng dalawa ay kinutuban na may masamang nangyari matapos hindi sumagot sa kanilang mga tawag o text.

"Ilang araw na raw po kasing tahimik, tas walang-wala kahit anong komosyon na may tao, tas panay daw po alulong ng aso, walang sumasaway," ayon sa isang kaanak.

Ayon sa pulisya, tinatayang nasa apat hanggang limang araw ng patay ang mag-ina.

Inaalam pa ang dahilan ng pagkamatay ng mga biktima ngunit isinantabi na ang anggulong pagnanakaw dahil wala naman daw nawawalang gamit ang mga ito.

Wala ring senyales ng pwersahang pagpasok sa tahanan ng mga biktima.

Ayon sa isang kaanak, mayroon daw nakaalitan si Grace ngunit mababaw daw ito para humantong sa krimen.

Ayon naman sa barangay captain sa lugar na si Rolando Santos sa panayam dito ng 24 Oras, posible umanong itinaon ang krimen noong madalas ang pag-ulan sa kanilang lugar.

"For the past few days, malakas ang ulan, eh, Baka itinaon nila sa palakas ng ulan," sabi nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang report, apat na bangkay naman ang natagpuan sa isang nasunog na bahay kamakailan.

Ayon sa mga awtoridad, wala umanong nag-report sa kanila na nawawala ang ito matapos ang sunog sa lugar.

Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa mga kakilala ng mag-anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone