Viral na estudyanteng umiiyak dahil nahirapan sa Accounting, idinetalye ang dahilan

Viral na estudyanteng umiiyak dahil nahirapan sa Accounting, idinetalye ang dahilan

- Nag-viral noong 2017 ang larawan ng isang estudyante na iniyakan umano ang 'Accounting'

- Tatlong taon ang lumipas at patuloy pa rin daw siyang nakakatanggap ng katanungan kung bakit ganoon na lamang ang kanyang pag-iyak

- Idinetalye niya ang rason kung bakit mahalaga na para sa kanya ay magkaroon siya ng honor sa klase

- Ngayon, dalawang taon na lamang daw ang kanyang bubunuin bago siya makatapos sa pag-aaral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral na estudyanteng umiiyak dahil nahirapan sa accounting, idinetalye ang dahilan
Banessa Raya (Photo from Aira Kathleen Dillozon Facebook)
Source: Facebook

Minsan nang nag-viral ang mga larawan ni Banessa Raya, ang estudyanteng iniyakan umano ang tanong sa Accounting na hindi niya masagutan.

Nalaman ng KAMI na binahagi ng kanyang kaibigang si Aira Kathleen Dillozon ang kanyang mga larawan na may caption na "Yung tropa mong 'di kinaya ang accounting, hahahahahaha."

Umabot sa 214, 089 ang shares ng post at mahigit na 53,000 ang reaction sa naturang post.

Makalipas ang tatlong taon, ngayon lamang daw sasagutin ni Banessa mga tanong sa kanya kung bakit ganoon na lamang ang kanyang iyak sa dahil lamang sa accounting.

Humingi na agad ng paumanhin si Banessa sa mga taong nairita sa kanya at inakalang OA lamang siya sa mga larawan.

Kwento ni Bannesa, Grade 11 pa lamang siya noon nang aminado siyang nahirapan sa isang tanong sa accounting.

Iniyakan niya ito dahil pakiramdam niya'y nagawa na niya lahat ngunit hindi pa rin niya masagot ang tanong.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ito ay dahil sa sinisikap niyang mag-aral ng mabuti para sa inang nasa abroad. Nalaman pa niya nang panahong iyon na tinamaan ng breast cancer ang ina kaya naman ang pag-aaral niya ng mabuti ang nakikita niyang paraan upang mapasiya ang ina.

At kahit mahirapan siya sa iniyakan niyang tanong, nakakuha pa rin siya ng mataas na marka dahilan para manatili siya sa honor roll.

Ngunit para kay Banessa, mas magiging masaya ang kanyang ina kung "with high honors" pa ang kanyang makakamit.

Single parent kasi ito at mag-isang itinataguyod si Banessa na kasama naman ang kanyang lolo at lola.

Kaya naman sinisikap niyang hindi masayang ang hirap at pagod ng ina sa pangingibang bansa.

Bagama't nakamit nga niya ang high honors, hindi pa rin nakauwi ang kanyang mama para sa kanyang graduation dahil sa patuloy nitong pagpapagamot.

At nang makauwi naman ito, patuloy pa rin itong nakipaglaban sa kanyang karamdaman hanggang sa binawian na ito ng buhay noong Agosto 2019.

Aminado si Banessa na napakahirap nito para sa kanya lalo na at wala na siyang ina na nag-iisa niyang magulang.

Ngunit sa kabila nito, patuloy pa ring nagsusumikap si Banessa upang dahil ito raw ang pangako niya sa kanyang ina, ang makatapos at magtagumpay sa buhay.

Muling nag-viral ang post na ito ni Banessa at ngayon, labis pa siyang hinangaan dahil sa kanyang kasipagan at matinding pagmamahal at pagmamalasakit sa kanyang ina hanggang sa huli nitong hininga.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng post:

Sadyang kahanga-hanga ang mga anak na marunong magpahalaga sa mga pagsisikap ng kanilang mga magulang.

Ang ilan, kahit sa kanilang murang edad, gumagawa na ng paraan upang matulungan ang kanilang mga magulang lalo na kung alam nila at hirap ng kanilang kalagayan.

Tulad ni Banessa, lagi nating pahalagahan ang ating mga magulang na siyang dahilan kung bakit natin nararanasan ang saya ng buhay sa mundo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica