Maling paggamit ng face mask, maaring maging dahilan ng pagkakakulong ng 15-30 na araw
- Dahil sa marami pa rin di umano ang hindi sumusunod sa pagsusuot ng face mask, iminumungkahi na lapatan ng matinding parusa ang sino mang lalabag dito
- Bukod sa mga walang face mask, maari ring parusahan ang mga taong mali ang paggamit ng face mask
-Nasa 15-30 na araw na pagkakakulong ang maaring maging parusa ng mga 'pasaway' pagdating sa tamang pagsusuot ng mask
- Sinasabing ang pagsusuot nito ang isa sa mabisang paraan upang maprotektahan ang sarili sa patuloy na pagkalat ng COVID-19
- Ipinatupad na rin ang pagsusuot ng face shield bilang karagdagang proteksyon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isa sa iminumungkahi ngayon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño ang pagpataw ng kaparusahan maging sa mga mayroong face mask ngunit mali ang pagkakagamit.
Nalaman ng KAMI na tila marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi sumusunod sa isa sa mga mahalagang safety protocols at ito ay ang pagsusuot ng face mask.
Bukod dito, binigyang pansin na rin ang taong hindi maayos ang pagsusuot ng mask.
Sa panayam ng GMA News kay Diño, sinabi nitong inilalakad na nila ang pagpapataw ng kaparusahang pagkakakulong sa sino man ang lalabag sa hindi pagsusuot at maling pagsusuot ng face mask.
"Isa nga sa mungkahi na 'tin, 'pag ikaw ay lumabas ng bahay, wala kang face mask, ang parusa sa'yo, 30 ang pagkakakulong," ani Undersecretary Diño.
"Pag naman naka-face mask ka tapos e nakalabas naman iyong ilong o bibig mo, 15 days naman ang iminumungkahi namin pare-parehas sa Metro Manila," dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sa inilabas na huling datos ng Department of health noong Agosto 20, lampas na sa 100,000 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa National Capital Region.
Dahil dito, ipinatupad na rin noong Agosto 15 ang pagsusuot ng face shield ng mga commuter o mga sumasakay ng pampublikong transportasyon.
Ito ay karagdagan sa pagsusuot ng face mask bilang doble proteksyon sa pagkalat ng COVID-19.
Inanunsyo na rin ng pamahalaan na maging ang pagpunta sa matataong lugar tulad ng malls ay kinakailangan na ring magsuot ng face shield karagdagan sa face mask.
Narito ang video ng ABS-CBN News na nagpapakita ng wastong paggamit ng face mask:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa panahon ngayon na wala pang nadidiskubreng lunas sa COVID-19, tanging ang pangangalaga sa sarili ang ating magagawa.
Kahit ang iba pa nating mga kababayang salat maging sa pangkain nila sa araw-araw ay gumagawa ng paraan upang sumunod at magkaroon ng face mask.
Ang iba naman, ginagastusan pa talaga ang face mask at face shield na pinaniniwalaang mainam na proteksyon kontra COVID-19.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh