Masbate quake: 1, kumpirmadong patay habang mahigit 20 na ang sugatan
- Isang retiradong pulis ang kumpirmadong nasawi matapos gumuho ang kanyang tatlong palapag na bahay dulot ng lindol kaninang umaga
- Ayon sa mga report, inaalam pa ng mga awtoridad kung mayroon pang ibang biktima sa loob ng nasabing bahay
- Mahigit 20 naman ang naitalang bilang ng nasugatan dahil sa trahedya
- Ngayong umaga, niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Cataingan, Masbate ayon sa PHIVOLCS
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Patay ang isang retiradong pulis matapos gumuho ang kanyang tatlong palapag na bahay sa Sitio Alimango, Barangay Concepcion dulot ng lindol na yumanig sa Masbate kaninang umaga.
Kinilala itong si retired police Col. Gilbert Sauro.
Ayon sa panayam ng TeleRadyo kay Masbate provincial administrator Rino Revalo, inaalam pa ng mga awtoridad kung may iba pa bang biktima sa loob ng gumuhong bahay.
"Walang makapagsabi ilan tao nandun nung tinamaan ng lindol. Patuloy na pinaghuhukay ang area na binagsakan," anito.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"Talagang nag-collapse totally 'yung 3-story building niya. Bumagsak talaga sa lupa," dagdag pa nito.
Batay naman sa report ng Philippine Star, nakapagtala na ng 24 bilang ng nasugatan dahil sa trahedya.
Bandang 1:15 p.m. naman nang may maramdaman ang magnitude 3.7 aftershock sa Cataingan, Masbate.
Batay naman sa report ng ABS-CBN News, ilang gusali rin ang naaepktuhan ng lindol. Ito ay ang tanggapan ng Public Attorney's Office, Cataingan Public market, Cataingan Municipality Police Station, docking area ng Cataingan Port, at mga kalsada.
Sa kasalukuyan ay mayroon pang mga positive cases ng COVID-19 sa Masbate at nananatiling naka-isolate ayon kay Revalo.
Inaaral naman ng mga awtoridad kung kinakailangan pang i-evacuate ang mga pasyente sa Cataingan District Hospital at sa isang coliseum kung nasaan ang mga asymptomatic COVID-19 patients matapos makakita ng mga cracks doon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Bandang 8:00 ng umaga nang yanigin ng magnitude 6.5 na lindol ang Cataingan, Masbate ayon sa PHIVOLCS.
Naitala ng Phivolcs ang Intensity VII sa Caitangan.
Wala namang inaasahang tsunami threat dahil dito.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh