Kantang "Teka Lang" ni Emman Nimedez, trending sa social media

Kantang "Teka Lang" ni Emman Nimedez, trending sa social media

- Trending sa Twitter ang "Teka Lang" na awitin ng YouTuber na si Emman Nimedez na pumanaw ngayong araw lamang

- Marami sa mga netizens ang nagdalamhati sa pagkawala ng isa sa mga sikat na YouTube content creator sa bansa

- Ang kanyang awiting Teka lang ay tila naging mas malungkot ang mensahe dahil sa kanyang pagkawala

- Si Emman ay pumanaw tatlong buwan simula nang ibahagi niya sa publiko ang tungkol sa kanyang sakit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nagdalamhati sa pagkawala ng isa sa pinakasikat ng YouTube content creator sa bansa. Si Emman Nimedez o nakilala sa bansag na Pambansang Oppa ay tuluyan nang pumanaw matapos ang kanyang pagpapagamot dahil sa acute myeloid leukemia, isang uri ng blood cancer.

Naging trending sa Twitter ang kanyang awiting "Teka Lang" dahil marami sa mga netizens ang nakaramdam ng matinding emosyon matapos ang iugnay ng karamihan ang mensahe ng kanta sa kanyang pagpanaw.

Kantang "Teka Lang" ni Emman Nimedez, trending sa social media

Emman Nimedez (Photo from Facebook)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang lyrics ng nasabing kanta:

Kantang "Teka Lang" ni Emman Nimedez, trending sa social media

Teka Lang by Emman Nimedez
Source: UGC

Marami ang naantig sa mensahe ng kanta lalo at naiuugnay nila ang kanta sa maagang pagpanaw ni Emman.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Teka lang by Emman Nimendez hits different now knowing he is gone. ☹ Rest in peace legend!
Iba na gid man ang impact ng kantang teka lang by Emman
Vibe pa dati pag tumugtog yung teka lang by emman, sa ngayon iba na yung dating, mas tagos sa puso. rest in paradise, pambansang oppa! u will be missed Pensive face
That feeling na pag naririnig mo yung song ni Emman na "Teka Lang", ibang-iba yung feeling! Crying face Di kagaya before chill lang, ngayon ang sakit-sakit na pakinggan. You're now at peace by the Lord's loving arms. Rest in peace Emman.

Si Emman Nimedez ay isang aktor, YouTube star, filmmaker, content creator at composer na sumikat dahil sa kanyang mga obra na short films, mga parody at song covers.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Marami man ang nalungkot sa maaga nitong pagpanaw sa edad na 27, alam nilang nasa may maayos na kalagayan na ito kung saan wala na siyang mararamdamang sakit.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel