Hospital bill ng yumaong Pinoy vlogger, nasa mahigit ₱2 million pa rin

Hospital bill ng yumaong Pinoy vlogger, nasa mahigit ₱2 million pa rin

- Pumanaw na ang kilalang Pinoy vlogger na si Emman Nimedez

- Tinamaan siya ng acute myeloid leukemia nito lamang Mayo na kanya pang napagbigay alam sa kanyan mga followers

- Wala pang halos isang araw mula nang maisugod sa ospital at malagay sa kritikal na kondisyon, sumakabilang buhay na ito

- Tinatayang mahigit 2 million pesos pa ang bayarin nito sa ospital kaya patuloy pa rin ang pangangalap ng tulong at donasyon ng kanyang pamilya at ng kanyang naiwang girlfriend

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hospital bill ng yumaong Pinoy vlogger, nasa mahigit ₱2 million pa rin

Emman Nimedez (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Sumakabilang buhay na ang Pinoy vlogger na si Emman Nimedez bandang ala una ng madaling araw ng Agosto 16.

Nalaman ng KAMI na wala pa halos isang araw ang itinatagal nito mula nang isugod sa ospital at malagay sa kritikal na kondisyon, yumao na ang vlogger.

Matatandaang nito lamang Mayo nang ipaalam niya sa publiko na tinamaan siya ng karamdamang acute myeloid leukemia o isang cancer sa dugo gayundin sa kanyang bone marrow.

Sa mabilis na panahon, agad siyang nilamon ng naturang sakit.

Pilit mang nilalabanan ng aktor at vlogger ang kanyang iniindang karamdaman, bumigay na rin ang kanyang katawan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

At kahit namayapa na si Emman, patuloy pa rin ang pangangalap ng tulong ng pamilya ni Emman at maging ang naiwang girlfriend nito na si Peachy Santos.

Sa binahaging screenshot ng Cinema Bravo, makikitang kausap ni Peachy ang girlfriend ng isa pang kilalang vlogger na si Cong TV.

Nabanggit ni Peachy na ₱2,085,532.42 ang eksaktong bill na dapat pa nilang bayaran sa ospital kung saan dinala si Emman.

Kaya naman patuloy ang pagkatok sa mabubuting puso ng mga mahal sa buhay ni Emman upang mabayaran ito.

Nagbabala rin ang girlfriend nito na mag-ingat sa mga nagpapanggap na lumilikom ng pondo para sa yumaong vlogger.

Tanging ang mismong Facebook page lamang ni Emman at Peachy ang lehitimong nagpo-post ng mga tamang impormasyon kung saan maaring makapagpadala ng tulong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Emman Nimedez ay isang aktor, YouTube star, filmmaker, content creator at composer na sumikat dahil sa kanyang mga obra na short films, mga parody at song covers.

Marami man ang nalungkot sa maaga nitong pagpanaw sa edad na 27, alam nilang nasa may maayos na kalagayan na ito kung saan wala na siyang mararamdamang sakit.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel