Aiko Melendez, napikon sa pang-aasar ng anak tungkol sa unang BF nya

Aiko Melendez, napikon sa pang-aasar ng anak tungkol sa unang BF nya

- Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Aiko Melendez kung paano sila mag-usap ng kanyang anak na si Andre Yllana

- Gayunpaman, sa kanilang one-on-one talk ay naungkat ang tungkol sa kanyang unang naging boyfriend

- Ang tinutukoy nila ay ang aktor na si Aga Muhlach na ngayon ay mayroon na ring asawa at kambal na anak

- Hindi mapigilan ni Aiko na mapikon nang asarin siya ng anak na si Andre tungkol sa kanilang nakaraan ni Aga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Aiko Melendez sa kanyang vlog kung paano sila mag-usap ng kanyang 21-anyos na anak na si Andre Yllana.

Tinanong ng aktres ang anak tungkol sa ilang mga personal na tanong kagaya ng tungkol sa pakikipagrelasyon nito.

Naitanong niya sa anak kung virgin pa ito.

“Siyempre, 21 na ako. Siyempre, hindi na," natatawang sagot ni Andre.

Binalik niya sa ina ang tanong, “Ikaw? How old were you?”

Pagbabahagi ni Aiko, 22 taon siya noon kasama ang ama ni Andre na si Jomari “I was 22. Noong 22 ako, 'yung tatay mo pa 'yung, basta 'yun.”

"Di ba hindi naman si Dad 'yung first boyfriend mo?” tanong ni Andre.

“Ang first boyfriend ko si Aga pero walang nangyari sa amin, hello. Mamatay man, ito magkamalas-malas na, wala talaga nangyari sa amin. Wala talaga, peksman, cross my heart," pagpapaliwanag niya.

“Bakit sabi sa akin ni Dad hindi naman daw siya 'yung una?” pang-aasar na tanong ni Andre.

“Alam mo 'wag kang gumawa ng kuwento. Alam mo sasapakin ko 'yang tatay mo, hindi na nga kami okay, gumagawa ka pa ng kuwento. Sinabi niya 'yon? Sinabi niya 'yon? Ang kapal ng mukha niya, siya 'yung una, 'no," pag-uusisa niya habang halatang napipikon na.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aiko Melendez, napikon sa pang-aasar ng anak tungkol sa unang BF nya

Aiko Melendez (Picture from Flickr: flickr.com/photos/tillyholland/15260673714)
Source: UGC

“Sinabi niya 'yon? Tatawagan ko 'yang tatay mo, ang kapal ng mukha niya para sabihin niya 'yon. Dahil nga at the peak of my career nabuntis ako dahil siya nga 'yung first ko, siraulo ba siya? Walang nangyari kaya sa amin ni Aga. Gumagawa siya ng issue d'yan, para siyang ewan," ani Aiko.

Hindi pa rin natigil ang pag-aasar ng binata nang tanungin siya ng ina kung sino ang naisip niyang gugustuhin ng ina na makasamang sakaling ma-trap siya sa isang isla.

“Ako tanungin mo kung sino gusto kong kasama, aside kay Tito Jay [Khonghun] mo,” ani Aiko.

Tugon ni Andre, “Si Aga?”

Muli ay tinanong niya ang anak kung totoong sinabi ni Jomari Yllana ang nauna nitong rebelasyon.

“Hindi, joke lang. Binibiro lang kita," pagtatapat ng anak.

Si Andre Yllana ang panganay na anak ni Aiko sa unang asawang si Jomari Yllana. Si Aiko ay nagsimula bilang isang child star noong dekada 80 sa ilalim ng Regal Films. Nakilala siya bilang isa sa pinakasikat na leading lady noong dekada 90 kung saan itinambal siya sa mga leading men kagaya nina Richard Gomez, Jomari Yllana at Aga Muhlach.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Naging usap-usapan kamakailan ang kanyang pagbawas ng timbang na ikinamangha ng marami.

Ibinahagi niya ang kanyang ginawa kung paano siya nakapagbawas ng timbang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel