Mister at misis, kasama si kabit sa iisang bahay; pinanggigilan ng netizens

Mister at misis, kasama si kabit sa iisang bahay; pinanggigilan ng netizens

- Hindi pangkaraniwan ang viral na kuwento nina mister at misis na nakatira sa iisang bahay kasama si kabit

- Maraming netizens ang nagulantang at nanggigil sa kakaiba nilang kuwento

- Ang mas lalo pang nakakagulat ay si kabit ang merong reklamo at humihingi ng saklolo kay Idol Raffy

- Kasalukuyang tatlong buwan na buntis si kabit na gusto ng umalis sa puder ng kanyang kinakasama at sa misis nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang kakaibang kuwento ang nag-viral sa social media dahil magkakasama sa iisang bubong sina mister, misis, at si kabit.

Nalaman ng KAMI na si kabit pa ang dumulog sa tanggapan ng "Raffy Tulfo in Action" upang ireklamo ang kanyang kalagayan at humingi ng tulong kay Idol Raffy.

Raffy Tulfo

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon sa kuwento ng kabit na si Sheila Molina, na kasalukuyang tatlong buwan na buntis, gusto na niyang makaalis sa bahay ng mag-asawang sina Alfred at Josie Eubank.

Hindi raw niya magawang makaalis dahil ayaw siyang paalisin ni Alfred dahil sa mga bata. Pinagbantaan pa siya nito na pag umalis siya sa kanilang puder ay magsasampa siya ng demanda laban sa kanya.

Dagdag pa ni Sheila, hanggang ngayon daw ay mahilig pa rin sa babae itong si Alfred na mariin naman niyang itinatanggi.

Ang nakakagulat dito, kahit ang legal wife na si Josie ay pumapayag sa gusto ng asawa niya na huwag paalisin si kabit.

Ang pinaglalaban ni Alfred, magugutom daw ang mga bata kung dadalhin ni Sheila sa probinsya ang mga ito.

Sanay daw sa maayos na buhay ang mga bata at pumapasok pa sa mga private schools. Pero tila buo na ang desisyon ni Sheila at talagang gusto na niyang makakawala sa bahay na tinitirhan niya ngayon.

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang balita, matindi ang hinagpis ng isang misis na niloko ng kanyang mister na OFW sa Madrid, Spain. Ayon kay legit, nabuntis daw ng kanyang mister ang kabit nito at tila boto pa ang mga magulang nito. Dagdag pa ni misis, pinagbantaan daw siya ni kabit na maglalabas ng maselan niyang video sa social media. Sinisiraan din daw siya ng pamilya ni mister at pinapalabas na siya ang nagloko kaya sila nagkahiwalay mag-asawa.

POPULAR: Read more news about Raffy Tulfo

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel