Rest in peace: Pinoy vlogger na si Emman Nimedez, pumanaw na

Rest in peace: Pinoy vlogger na si Emman Nimedez, pumanaw na

- Pumanaw na ang Pinoy vlogger na si Emman Nimedez

- Sa isang Facebook post sa official page nito, ibinahagi ng kasintahang si Peachy Santos ang malungkot na balita

- Noong nakaraang araw lang nang isugod ito sa ospital at dinala sa ICU dahil sa kidney failure at blood complications

- Matatandaang nito lamang Mayo nang ibahagi ni Emman ang tungkol sa kanyang malubhang karamdaman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pumanaw na ang Pilipinong vlogger na si Emman Nimedez matapos isugod sa ospital noong gabi ng August 13.

Sa isang Facebook post sa official page nito, ibinahagi ng kasintahang si Peachy Santos ang malungkot na balita.

Rest in peace: Pinoy vlogger na si Emman Nimedez, pumanaw na

Photo from Emman Nimedez Facebook page
Source: Facebook

"Our beloved Emman Nimedez joined our Creator at 1:00am today, August 16, 2020, Sunday. He was with his family during the time of his passing at St. Luke's Medical Center - Quezon City.

"Our family is thankful to everyone who offered prayers and showed support.

"Funeral details will be announced in the next days. We hope everyone will respect the family's privacy to mourn the passing of Emman. Thank you."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Noong nakaraang araw lang nang isugod ito sa ospital at dinala sa ICU dahil sa kidney failure at blood complications.

Isa sa mga nakiramay ang internet star na Madam Kilay.

"I know 1 time Lang Kita nakasama pero memorable yun. SILENT LANG AKO Pero nakafollow ako sa ngyari sayo since day1 nasa altar ko ang pangalan mo. Hanggang sa muli emz! -MK."

Samantalang si Cong TV naman ay isa sa mga nanawagan ng tulong para sa kaibigang si Emman sa pamamagitan din ng social media.

Matatandaang nito lamang Mayo nang ibahagi ni Emman ang tungkol sa kanyang malubhang karamdaman na acute myeloid leukemia, isang uri ng blood cancer.

"Ito na ‘yong pinakamatindi na laban na kakaharapin ko at sinasabi ko sa inyo ngayon, lahat ginagawa ko para manatiling matibay, maging handa at higit sa lahat, maging malakas kasi kailangan eh," anito sa isang YouTube video.

"Hayaan niyo lang akong isama kayo sa laban na 'to para makita niyo lahat ng ibabato sa ating hamon, pagsubok, kakayanin. Basta diretso lang tingin natin sa buhay at tsaka positibo tayo," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Emman Nimedez ay isang actor, YouTuber, at filmmaker na nakilala sa kanyang mga short films, parodies, at covers.

Sa kabila ng malubhang karamdaman ay naging positibo pa rin ito sa buhay at matapang na hinarap ang sakit.

"Noong kinuhaan ng samples 'yong bone marrow ko, lumabas sa results may acute myeloid leukemia. Mayroon akong cancer," anito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel