Sarah Balabagan, ibinahaging si Arnold Clavio ang ama ng panganay niyang anak

Sarah Balabagan, ibinahaging si Arnold Clavio ang ama ng panganay niyang anak

- Matapos ang 22-taon ay ibinahagi ni Sarah Balabagan ang pagkakakilanlan ng ama ng kanyang anak

- Inamin niyang ang Kapuso Radio and TV anchor na si Arnold Clavio ang ama ng kanyang panganay

- Humingi ng dispensa si Sarah sa maybahay ni Arnold dahil sa kanyang nagawang pagkakamali

- Si Sarah Balabagan ay isang Pinay na muntik nang maparusahan ng kamatayan sa UAE noong 1994

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinagtapat ni Sarah Balabagan ang diumano'y tunay na ama ng kanyang panganay na anak.

“Ang ama po ng panganay ko ay yes, si Arnold Clavio po!” aniya sa isang Facebook live video.

Matapos ang mahigit dalawang dekada ay nailabas na sa wakas ni Sarah ang katotohanan matapos lumabas ang haka-haka tungkol sa ama ng kanyang anak.

Sa kasalukuyan, mayroong 5-year-old at 1-year-old na anak si Sarah sa kanyang asawang si Jun Sereno.

“Kaya ko to ginagawa dahil after 22 years, lumabas na naman. Sabi nga nila, walang bahong hindi lalabas. Hindi naman po ako nalungkot dahil by God’s grace, masaya na ako sa buhay ko,” dagdag pa niya.

Aniya hindi naman siya habangbuhay ay nariyan upang ituwid ang mga lumalabas na haka-haka kaya minabuti niyang ilabas na ang katotohanan.

“Paano ‘pag wala na ako sa mundo? Tapos hindi ko ito kinorek? Baka mamaya maging multo pa ito sa anak ko,” dagdag pa ni Balabagan.

Ang paglilinaw na ito ni Balabagan ay upang pasinungalingan ang balitang si late ambassador Roy Seneres ang ama ng kanyang anak.

“Si late Ambassador Roy Señeres po ang tumulong sa akin nu’ng ako ay nabuntis. Tinulungan niya ako para hindi kumalat sa public. Para hindi masira ang image ko noon at ‘yung image nu’ng taong ‘yun.

“Kinupkop ako at itinago ni ambassador pero ang nakakalungkot, e, sinasabi nilang siya raw ang ama,” paglilinaw niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi din nito kung paano sila nagkakilala ni Clavio.

“Nagkakilala kami ni Arnold nu’ng panahong ako ay nakapiit pa at dinalaw nila ako doon. Naging close kami noon ni ‘Kuya Arnold’…at nu’ng unuwi ako sa Pilipinas noon August 1, 1996, isa po siya sa mga nag-cover ng kaso ko. Naging exclusive la nga niya ang story.”

Ayon pa kay Sarah, nahulog ang loob niya dito dahil napapatawa siya nito noon sa kabila ng pinagdaanan niyang hirap.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mismong si Arnold Clavio umano ang nagsabi sa kanya na wag umamin kaya hindi siya nagsalita tungkol dito.

Si Sarah Balabagan ay naging kontrobersiyal noong mid-90s nang nakulong siya sa UAE for murder. Gayunpaman, nakauwi siya sa bansa at ginawang pelikula ang storya ng kanyang buhay noong 1997.

Sarah Balabagan, ibinahaging si Arnold Clavio ang ama ng panganay niyang anak

Photo by Jacques Lange/Paris Match via Getty Images
Source: Getty Images

Ang mga OFW ay binansagang mga makabagong bayani. Hindi matatawaran ang kanilang pagtitiis na mapalayo sa mga mahal nila sa buhay para lamang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya.

Kamakailan ay isang OFW ang kinabiliban dahil sa sipag nito at nakapundar siya ng sarili niyang mga ari-arian.

Isa ding OFW sa Hong Kong ang nagpabilib sa maraming netizens dahil sa mga naipundar niya mula lamang sa kanyang pagtatrabao bilang OFW sa loob ng 4 na taon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel