Kuya Kim Atienza, ipinakita ang sekreto sa likod ng magandang kasuotan ni Gretchen Fullido

Kuya Kim Atienza, ipinakita ang sekreto sa likod ng magandang kasuotan ni Gretchen Fullido

- Ibinuking ni Kim Atienza ang sekreto sa magagandang fitting ng outfit ng kasamahang si Gretchen Fullido

- Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Kuya Kim ang video kung saan kita ang makukulay na clip na nakakabit sa likod ng damit ni Gretchen

- Biro ng sikat na host, ito umano ang sekreto ni Gretchen para maging seksi sa harap ng camera

- Hindi napigilang mag-react ng ilang celebrities sa "pambubuking" na ito ni Kuya Kim

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naaliw sa kulitan ng tambalang Kim Atienza at Gretchen Fullido sa segement ng TV Patrol na kung saan live na binabasa ng dalawa ang comments ng netizens.

Sa kanyang Instagram account ay 'ibinuking' ni Kuya Kim ang sekreto ni Gretchen Fullido para sa kanyang seksing figure.

Kuya Kim Atienza, binuking ang sekreto ni Gretchen Fullido

Kim Atienza (Photo from: CC BY 3.0 via Wikimedia Commons)
Source: UGC

"Para seksi sipit sipit is the key," ani Kuya Kim sa caption ng isang maikling video na kung saan makikita ang back-view ng kasuotan ni Gretchen. Makikita ang tatlong makukulay na binder paper clip clamp na nakasipit upang maging maayos ang fitting ng kanyang damit.

Tinawanan lamang ito ni Gretchen at muling ibinahagi ang video ni Kuya Kim. "OMG! Si @kuyakim_atienza binuking yung secret sipit ko!" aniya.

Hindi niya rin umano alam na kinukuhanan pala siya ng video."I didn’t know he was taking this video!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi napigilan ng ilang personalidad na mag-react sa post na ito ni Kuya Kim.

Kabilang na dito ang singer na si Geneva Cruz. "Bat mo binubuking secret namin? "

Ayon naman sa eventologist at TV presenter na si Tim Yap ito ay "styling."

Sina Kim Atienza at Gretchen Fullido ay gabi-gabing napapanood sa segment ng TV Patrol na pinapalabas sa kanilang Facebook Page. Sila ay nagbabasa ng mga reaksiyon at komento ng mga netizens na nanonood sa nasabing news program.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Isa si Kuya Kim sa mga Kapamilya personality na hayagang nagpapakita ng kanyang suporta sa TV network. Sa katunayan, kinaaliwan ang kanyang mga sagot sa mga bashers ng Kapamilya Network.

Pinaliwanagan din niya ang mga netizens na gumagamit ng salitang oligarch at oligarchy sa kanilang patutsada laban sa ABS-CBN.

POPULAR: Read more about Kim Atienza here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel