Anak ni Mayor Alfredo Lim, hindi inakalang COVID-19 ang ikamamatay ng ama

Anak ni Mayor Alfredo Lim, hindi inakalang COVID-19 ang ikamamatay ng ama

- Nagbigay ng detalye ang panganay na anak ni Manila Ex-Mayor Alfredo Lim patungkol sa pagkamatay ng ama

- Hindi raw nila akalaing COVID-19 ang ikamamatay ng kanyang ama na sa edad na 90 ay nasa maayos pa rin ang kondisyon ng pangangatawan

- Nilahad din ng anak ang kung san posibleng nakuha ng ama ang virus gayung hindi naman daw ito masyadong lumalabas ng bahay

- Maging ang misis ni Mayor Lim ay nagpositibo rin sa virus at kasalukuyan ding nagpapagaling sa ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Anak ni Mayor Alfredo Lim, hindi inakalang COVID-19 ang ikamamatay ng ama
Mayor Alfredo Lim (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Nagbigay ng ilang detalye ang anak ni Manila Ex-Mayor Alfredo Lim ukol sa biglaang pagpanaw ng kanyang ama.

Nalaman ng KAMI na hindi raw sukat akalain ng panganay ni Mayor Lim na si Rolando Lim na COVID-29 ang ikamamatay ng kanyang ama.

"No one expected na kaya siyang ibagsak ng sakit na ito (COVID-19) dahil talagang physically, kondisyon si tatay eh," pahayag ni Rolando sa panayam sa kanya ng Teleradyo.

Sa edad kasi nito na 90, masasabing nasa maayos na kondisyon pa rin ng pangangatawan si Mayor Lim dahil na rin sa disiplina sa kanyang sarili.

Kaya naman marami ang nagulat sa biglaan nitong pagkamatay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kwento pa ni Rolando, nagsimula lamang ang sintomas ng ama sa virus sa ubo na tumagal ng dalawang linggo.

Dahil sa pag-aakalang simpleng ubo lamang ito, hindi agad ito kumonsulta sa doktor.

Maging ang kanyang misis ay nagpositibo rin sa virus at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Hindi halos lumalalabas ng kanilang tahanan si Mayor Lim kaya malaki raw ang posibilidad na ang nakahawa rito ay ang mga kasambahay na siyang lumalabas para makabili ng pangangailangan nila.

Ang labi ng dating alkalde na na-crremate na ay kasalukuyan nang nasa bahay nila sa Tondo at wala pang pinal na detalye na naibigay ang kanilang pamilya kaugnay sa libing nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pumanaw si Dating Manila Mayor Alfredo Lim noong Agosto 8. isang araw matapos mapabalitang nakalagak siya sa ospital dahil sa COVID-19.

Nasabing mahigpit pa noong binantayan ang lagay ng dating alkalde ng Maynila at naging senador sa bansa ngunit hindi na ito nagtagal at sumakabilang buhay na rin.

Isa ang kasalukuyang alkalde ng Maynila na si Mayor Isko sa mga agarang nagpahayag ng kanilang simpatya at kalungkutan sa pagpanaw ng isa sa mga naging lider ng kanilang lungsod.

Binigyang pugay din niya ang mga nagawa nito sa Maynila sa loob ng 12 na taong paglilingkod sa lungsod.

Ipinangako rin ni Mayor Isko na patuloy niyang pangangalagaan at sisiguraduhin ang pag-unald ng Maynila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica