QR code ng quarantine pass sa QC, link pala sa music video ni Adele
- Viral ang post ng isang netizen tungkol sa QR code ng isang quarantine pass na link pala ng isang music video
- Nang subukang i-scan ng isang residente ang code, link pala ito sa music video ng kanta ni Adele na 'Hello'
- Inakala niya kasing impormasyon ito tungkol sa mga dapat malaman ng mga residente tungkol sa pag-iingat sa COVID-19 sa kanilang lugar
- Habang ang ilan ay natawa na lamang sa pagkakamaling ito sa pass, ang ilan naman ay nagpaalala na dapat sinusuring mabuti ang mga ipinamamahagi lalo na at ito ay para sa maraming tao
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw-eksena sa social media ang link ng isang QR code na matatagpuan sa quarantine pass na pinamahagi sa Quezon City.
Nalaman ng KAMI na binahagi ito ng netizen na si Vannezza Aranas kung saan laking gulat niya nang i-scan ang code na nakita sa quarantine pass.
Ayon sa Rappler, imbis na impormasyon tungkol sa safety protocols o mahalagang impormasyon tungkol sa pandemya ang makikita sa code, nagulat si Vannezza nang mapunta siya sa music video ng kanta ni Adele na "Hello."
Si Adele ay kilalang English singer at songwriter na nagpasikat ng mga kantang "Someone Like You', 'Chasing Pavements',' Rolling in the Deep' at ang kantang na-scan sa QR code na 'Hello.'
Kwento pa ng residente, ito raw ang bagong quarantine pass na ipinamahagi sa mga taga-barangay Batasan Hills sa Quezon City.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ito ay matapos na sumailalim muli ng Metro Manila sa modified community quarantine kung saan muling hihingan ng quarantine pass ang mga lalabas ng kani-kanilang tahanan kung kinakailangan.
Samantala, nilinaw rin sa artikulo na ang QR code ay isang pagbati na 'Hello' at nagkataong ang kanta ni Adele ang lumalabas sa top results.
Gayunpaman, kinagiliwan ito ng mga netizens at ang iba na nakatanggap din ng pass ay sinubukang i-scan ito.
Ngunit habang ang ilan ay natuwa, ang ilan naman ay nagpaalalang dapat na suriing mabuti ang mga pinamamahagi lalo na at maraming tao ang nakatatanggap nito.
Ang QR code o quick response code ay isa sa mabilis na paraan upang mas mabilis na maipasa ang impormasyon gamit lamang ang label o code.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Gamit lamang ang smartphone at app na makakapag-scan ng code, mabilis na makukuha o maipapasa ang ilang detalye o impormasyon mula sa nagbigay ng kaukulang code.
Isa ito sa mga ginamit nang pansamantalang nagbukas ang mga dine in restaurants kung saan, imbis na magsulat ng impormasyon ang kanilang mga bisita, ipapa-scan na lamang nila ang QR code ng restaurant. Didiretso ito sa isang quesionnaire na dapat sagutan ng customers patungkol sa kasalukuyang kondisyon ng kanilang kalusugan.
Patuloy pa rin ang pagpapaalala ng awtoridad sa mga safety protocols na dapat gawin bilang pag-iingat sa COVID-19 lalo na at nanguna na ang Pilipinas sa Southeast Asia sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh