Writer ng balitang positibo sa COVID-19 ang singer na si Lloyd Umali at pamilya nito, nag-sorry na
- Nilinaw ng OPM singer na si LLoyd Umali na hindi siya at hindi rin ang kanyang buong pamilya ang nagpositibo sa COVID-19
- Laking gulat umano niya nang ilan sa kanyang mga kaibigan ay nagulat at kinumpirma kung siya nga ba ang 'Lloyd Umali' na positibo sa virus
- Kilala rin umano ni Lloyd ang reporter ng tabloid na nagsulat na siya ay tinamaan ng COVID-19
- Naglabas na ito ng public apology ang manunulat at inaming nagkamali mismo siya sa paglathala ng balita ngunit ibang Lloyd Umali pala at kapangalan lang ng singer ang tinamaan ng virus
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang OPM singer na si Lloyd Umali na di umano'y biktima ng fake news.
Nalaman ng KAMI na kamakailan ay pumutok ang balitang tinamaan umano ng COVID-19 si Lloyd gayundin ang kanyang buong pamilya base sa ulat ng writer ng isang tabloid na si Roldan Castro.
Ayon mismo kay Lloyd, agad na niyang nilinaw na hindi siya ang Lloyd Umali na sinasabing nagkaroon ng virus at kapangalan lamang niya ito.
Ngunit sa kasamaang palad, kumalat pa rin ang balita na siya umano ang nagpositibo sa virus kaya naman nag-alala ang kanyang mga kaibigan at kaanak nang makarating din sa kanila ang 'fake news.'
Ang masaklap pa umano rito, personal na kilala pa raw ni Lloyd ang writer na sana ay kinumpirma muna mismo sa singer kung totoong siya nga ang tinamaan ng virus.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sa programa rin ni Tulfo, ipinakita ang public apology na ginawa ng manunulat upang linawin na hindi nga ang singer na si Lloyd Umali o maging ang kanyang pamilya ang nagpositibo sa COVID-19.
"Ako po si Roldan Castro, humihingi ng paumanhin kay Mr. Lloyd Umali at sa kanyang pamilya dahil sa isyung may COVID siya at ang kanyang family. Ibang Lloyd Umali pala ito sa Facebook at kapangalan lamang niya," ang bahagi ng pahayag ni Castro.
Bukod sa public apology, nalagyan na rin ng 'retraction at erratum' ang artikulo upang bigyang linaw na hindi ang singer na nagamit ang larawan sa tabloid ang may virus.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Patunay lamang na maging ang mga nasa industriya ng showbiz ay natutulungan din ng programa ni Raffy Tulfo bukod sa mga ordinaryong mamamayan.
Kamakailan lamang ay nagpaabot ng tulong ang kanyang programa sa batikang Action Star ng bansa na si John Regala na kasalukuyang may karamdaman at humihingi ng tulong.
Patuloy na sinusubaybayan ng programa ni Tulfo ang pag-usad ng kalagayan ng aktor at umaasa silang gagaling ito sa lalong madaling panahon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh