‘Isang mahigpit na yakap sa’yo’: Tula ng health worker para sa kapwa frontliners, viral na

‘Isang mahigpit na yakap sa’yo’: Tula ng health worker para sa kapwa frontliners, viral na

- Tampok sa social media ngayon ang isang tula na sinulat ng isang healthcare worker para sa kanyang kapwa frontliners

- Sa kanyang tula, ibinahagi niya ang hinaing ng mga medical frontliners ngayong patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa

- Nabanggit niya nga rito na hirap na hirap at pagod na ang mga health workers ngayon dahil sa COVID-19

- Kaya naman, nais nilang mapakinggan sana sila ng gobyerno sa mga hinaing nila ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kamakailan nga ay naglabas na ng hinaing ang mga medical frontliners dahil sa kanilang pagod at hirap na nararansan ngayon.

Nalaman ng KAMI na ang isang healthcare worker nga ay gumawa pa ng tula para sa kanyang kapwa frontliners sa mga ospital.

‘Isang mahigpit na yakap sa’yo’: Tula ng health worker para sa kapwa frontliners, viral na
Larawan mula sa Getty Images
Source: Getty Images

Sa Facebook post ni Noel Esteves, ang kanyang tula ay para damayan ang kanyang mga kapwa na nagpapakapagod at nagsasakripisyo ng kanilang buhay laban sa COVID-19.

“Sa mga kapwa ko frontliners,

Payakap nga

Kamusta ka? Kamusta kayo?

Marahil pagod na pagod ka na ‘no?

Kumain ka na ba?

Siguro kahit umihi’t umupo’y di na magawa.”

Sa kanyang tula, ibinahagi nga niya ang hirap na dinadanas ng mga health workers ngayon. Panawagan nila, sana ay pakinggan ng gobyerno ang hinaing din nila.

“'Modern Hero' ika nga nila kung tawagin,

Ngunit parang bingi sa ating mga hinaing.

Hangang kelan tayo hihiling?

Nang sa gayo’y tayo naman ang makatulog nang mahimbing."

Kaya naman, “yakap” ang mabibigay ngayon ng healthcare worker sa kanyang kapwa frontliners niya ngayong may krisis pa rin sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa, aminado ang mga medical frontliners na pagod na pagod na sila ngayon.

Paliwanag naman ng Healthcare Professionals Alliance, hindi rebolusyon ang nais nila ngayon laban sa gobyerno kundi tulong.

Samantala, isang grupo naman ng mga healthcare workers ngayon ang nagprotesta para mabigyan ng hustisya ang pagpanaw ng kasamahan nila dahil sa COVID-19.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)