Iya Villania, pinabilib ang netizens sa kanyang pag-vlog habang nanganganak

Iya Villania, pinabilib ang netizens sa kanyang pag-vlog habang nanganganak

- Sa ikalawang linggo ng anak nina Iya Villania at Drew Arellano, napagpasyahan ng TV host-actress na ibahagi ang video ng kanyang panganganak

- Ibinahagi niya kung paano siya naghanda papuntang ospital hanggang sa ipasok na siya sa delivery room

- Makikita sa nasabing video ang kanyang reaksiyon nang malamang babae ang kanilang anak

- Matatandaang hindi nila inalam ang kasarian ng kanilang anak upang maging sorpresa ito sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang humanga at napabilib kay Iya Villania nang ibahagi niya ang video kung paano niya isinilang ang kanilang ikatlong anak na si Alana Lauren.

Ibinahagi niya ang pangyayari noong July 18 simula nang makaramdam siya ng labor pains at contractions hanggang sa isinilang niya ang anak at maiuwi nilang mag-asawa ang kanilang bunso at unica hija.

Kitang kita din na chill lang ang Chika Minute host habang nag-aabang ng tamang panahon para ilabas ang kanyang baby.

Dalawang beses lamang siyang umire bago tuluyan niyang naisilang ang sanggol sa tulong na rin ng kanyang mga doktor.

Iya Villania, pinabilib ang netizens sa kanyang pag-vlog habang nanganganak

Iya Villania (Photo from Iya Villania/Instagram)
Source: Instagram

Hindi maitago ng kanyang mga doktor ang kanilang tuwa nang malamang babae ang anak nina Iya at Drew.

“In celebration of our baby girl's 2nd week into this world, we thought it would be nice to share what D-day was like for us even in the middle of this pandemic," ani Iya sa caption ng kanyang Instagram post kung saan ibinahagi niya ang intro ng kanyang vlog.

“We know mamas giving birth during this time must be scared but hope this will ease you up a bit. Times may be scary but have faith and remember the beauty of what you're about to go through.I guess you can say this was also the gender reveal," dagdag pa niya.

Muli niyang pinasalamatan ang mga doktor na nag-alaga sa kanya sa kanyang panganganak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Again, thank you to our doctors @cesreyesmd, Dr. Liza Cruz, @shaneluciano, and all the nurses who took care of us.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon ng mga manghang-manghang mga netizens:

She’s so chill I can’t even think straight when I was in labor. I turned into a monster.
Still I can't imagine how you're able to film this one! Like are you for real? Such an amazing Mama. Anyways, CONGRATULATIONS to you and Drew!
Oh my Iya, you are a superwoman! You managed vlogging while giving birth? Amazing

Si Iya Villania-Arellano, ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang TV presenter. Isa siyang Filipina-Australian na kinalaunan ay naging aktres at host na rin. Nakilala rin siya bilang isa sa pinakasikat na VJ ng Myx Channel.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang nanganak ang aktres sa ikatlong anak nila ni Drew nito lamang July 18. Ibinahagi ng mag-asawa kaagad ang litrato ng kanilang bunso matapos itong isilang ni Iya.

Marami sa mga celebrities ang bumati sa mag-asawa sa kanilang baby girl.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel