OFW na kararating lang sa bansa, nabiktima di umano ng 'bukas maleta' sa airport
- Isang overseas Filipino worker na mula sa Hong Kong ang sinasabing nabiktima di umano ng bukas maleta sa airport
- Makikita sa larawan ng pinutol ang lock ng kanyang maleta kung saan nakuha ang mga mahahalagang gamit na laman nito
- Talagang nawindang ang ating kababayan sa nangyari lalo pa at ang karamihan sa mga nawala ay pawang mga padala lamang sa kanya ng kasamahan niyang OFW
- Karamihan sa mga netizens ay talagang naawa sa ating kababayan habang ang iba ay nagsabing naranasan din ang parehong sitwasyon kaya naman nararapat na ito ay mabigyan ng aksyon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nanlumo ang isa nating kababayang Overseas Filipino Worker mula Hong Kong na di umano'y naging biktima ng 'bukas maleta' sa airport.
Nalaman ng KAMI na kalalapag lamang umano ng ating kababayan sa Davao International Airport noong Hulyo 27 nang mapansing bukas na ang kanyang maleta.
Mapapansin sa larawang binahagi ng Pinoy Viral Videos 2 na pinutol ang lock ng maleta at nabuksan ito.
Nang i-check ng OFW ang laman nito, pawang mga mahahalaga at mamahaling gamit talaga ang pinag-interesan ng sinomang nagbukas ng kanyang maleta.
Nalimas ang mga pera, alahas mga chocolates at iba pang mamahaling gamit na laman ng bagahe.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ang masaklap pa rito, hindi lahat sa kanya ang mga gamit na nawala at ang karamihan sa mga ito ay pawang pakiusap lamang na padala ng kasamahan niyang OFW na ipararating pa niya sa mga pamilya nito.
Halos hindi makausap at hindi makagalaw ang kaawa-awang OFW matapos na malaman ang nangyari lalo pa at walang kasiguraduhan kung sino ang nararapat na managot sa mga nawala.
Samantala, nalungkot at naawa ang mga netizens na nakakita ng naturang post at ang ilan ay nagsasabing naranasan din nila o maging ng kanilang mga kamag-anak ang ganitong insidente.
Sadyang nakalulungkot lamang isipin na tila naglaho na lamang na parang bula ang mga gamit gayung kitang-kita naman na pilit o pwersahang binaklas ang maleta na pinaniniwalaang sa paliparan nangyari.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Imbis na gumaan ang loob ng ating kababayan na nakauwi na sa ating bansa sa gitna ng pandemya lalo pa at ang ilan ay naiwan pa rin sa ibang bansa, problema pa agad ang sumambulat sa kanya.
Hiling ng marami na sana'y mabigyang husitisya ang mga pangyayaring ito lalo pa at ang mga nabibiktima ay mga kaawa-awang OFW na nagsusumikap at nagsasakripisyo sa ibang bansa para lamang mabigyan ng kaginhawahan ang kanilang mga pamilya na nasa Pilipinas.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh