Nag-viral na LET topnotcher, naipaayos naman ang dating kubo na tirahan
- Muli na namang nag-viral ang kwento ng tagumpay ni Iah Seraspi, ang top 2 sa licensure examinations for teachers noong 2015
- Nag-viral ang kanyang kwento dahil sa inspirasyong dala ng mga pinagdaanan niya sa buhay
- Aminadong naghikahos noon lalo na sa pag-aaral, hindi naman niya sinukuan ang kanyang mga pangarap
- Ngayon, naipagawa naman niya ang dating kubo na tinitirahan ng kanilang pamilya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Muli na namang nakapagdala ng inspirasyon ang kwento ni Iah Seraspi sa mga netizens nang ipakita na niya ang kanilang tahanan.
Nalaman ng KAMI na si Iah ang top 2 sa licensure examinations for teachers noong 2015 na nag-viral dahil sa tarpaulin niyang nakasabit sa kanila noong kubo na tinitirahan.
Matatandaang maraming namangha sa kwento ni Iah na nakapagtapos ng Bachelor of Science in Education, major in Biological Science sa Romblon State University sa kabila ng hirap na dinaranas nila sa buhay.
Bukod kasi sa kubong tirahan, wala pa raw sila noong kuryente at masasabing maswerte na sila kung makapag-uwi ang kanilang ama ng 100 piso sa isang araw na siyang pagkakasyahin pa nila sa kanilang pagkain.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ang mga pinagdaanang ito ang naging dahilan ni Iah para magsumikap na maabot ang kanyang mga pangarap di lamang para sa sarili kundi para na rin sa kanyang pamilya.
Dahil sa angking talino at abilidad sa buhay, nakakuha siya ng scholarship kaya naman siya nakapagkolehiyo.
Sinuportahan din siya noon ng kanyang kapatid na isa rin sa mga naniniwala sa kanya.
At ngayon, makalipas ang nasa limang taon mula nang maging ganap siyang lisensyadong guro, isa na namang tagumpay ang tinamasa ni Iah at ito ay ang maipaayos ang dati nilang kubo na tinitirahan.
Binahagi ng Manny Pacquiao Public Information System ang ilang larawan ni Iah at ng itsura ng ipinagawa niyang bahay para sa kanilang pamilya.
Malayong-malayo na ito sa kubo nila noon dahil sementado na ang kanilang bahay at maayos na bubong.
Kitang-kita na nagbunga na ang mga pinaghirapan ni Iah mula pa nang siya ay mag-aral, makatapos at makapagtrabaho.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Patunay lamang na wala talagang imposible sa taong masipag, madiskarte at may determinasyon na maiangat ang estado ng kanilang buhay.
Sadyang minsan ay magiging hadlang ang kahirapan, ngunit nasa tamang pananaw at tamang pag-uugali lamang ng isang tao kung paano niya maisasaayos ang hindi lamang ang kanyang kinabukasan kundi maging ng kanyang pamilya at minsan pati na rin ng kinabibilangan niyang komunidad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh