Sundalong inireklamo sa programa ni Raffy Tulfo, nasawi sa engkwentro
- Nasawi sa isang engkwentro sa Maguindanao ang sundalong inireklamo sa programa ni Raffy Tulfo
- Isa siya sa dalawang sundalong kumpirmadong patay sa pakikipagsagupaan kamakailan
- Matatandaang inireklamo siya ng dating nobya dahil sa di raw pagsipot nito sa kanilang kasal
- Gayunpaman, kinilala pa rin ang sundalo na ibinuwis ang kanyang buhay para sa ating bayan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nasawi si Private First Class Raymund Canlog sa isang engkwentro sa Maguindanao noong Hulyo 29.
Nalaman ng KAMI na si PFC Canlog ang sundalong inireklamo sa programa ni Raffy Tulfo ng kanyang dating nobya na si Daisyre Ceraos.
Ayon kay Daisyre, handang-handa na ang lahat para sana sa kasal nila ni Raymund nang bigla na lamang daw itong nakipaghiwalay sa kanya.
Ang masaklap pa rito, ni hindi raw masabi ng sundalo ang dahilan kung bakit ito biglang umatras sa kasal nila ni Daisyre.
Sa kasamaang palad, isa si PFC Canlog sa dalawang sundalong nasawi sa bakbakan sa Maguindanao base sa ulat ng Brigada News FM National.
Ang isa pang sundalong napatay sa engkwentro ay nakilalang si PFC Jovit Sarno.
Ang grupo nina PFC Sarno at PFC Canlog ang sumagupa sa mga rebelde kung saan apat ang naitalang nasawi sa mga ito at sampu ang sugatan.
Matatandaang nasabihan pa 'on-air' si PFC Canlog ng duwag dahil sa biglang pagtalikod nito sa kasal sana nila ng kanyang nobya.
Sinasabing nagawa pa raw nitong magtago sa poder ng kanyang ina upang hindi na maharap noon si Daisyre.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Namagitan na rin ang ina ng sundalo sa pakikipaghiwalay ng anak sa kanyang fiancée na mas naging kumplikado sa panig ng babae.
Isa sa nabanggit ng nobyo na dahilan ay ang madalas nilang pag-aaway ng nobya at ang pamimilit di umano nito na i-post pa sa social media na ikakasal na silang dalawa.
Sa part 3 ng episode ng programa ni Tulfo ukol sa reklamo sa sundalo, nakapanayam pa rin nila ang dating nobya na naglabas ng saloobin.
Lumalabas na sinisisi raw siya sa sinapit ng dating nobyo. Paliwanag ni Daisyre, na wala siyang kaugnayan sa pagkamatay ng dating nobyo.
Nilinaw din niyang hindi siya pumunta sa lugar kung saan ang labi ng sundalo taliwas sa mga sinasabi ng naninira di umano sa kanya na grabe ang pag-iyak niya sa pagkawala ng nobyo.
Mismong si Raffy Tulfo ay nakaranas daw na ma-bash ng ilang netizens na may kasalanan daw sa pagkamatay ng sundalo dahil sa 'stress' sa reklamo ng dating nobya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Gayunpaman, kinilala pa rin ang pagbubuwis ng buhay ni PFC Canlog na nagbigay serbisyo sa bayan hanggang sa huli niyang hininga.
Si Raffy Tulfo ay isang batikang journalist na naging sumbungan ng bayan para sa mabilis na aksyon sa mga di magandang nangyayari maging sa mga ordinaryong mamamayan.
Kilala rin siya sa pagtulong sa kapwa na kahit saan man siyang bahagi ng mundo, nagagawa pa rin niyang mag-abot ng tulong sa abot ng kayang makakaya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh