Pilotong nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, isa na ngayong food delivery rider

Pilotong nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, isa na ngayong food delivery rider

- Di nagdalawang isip ang pilotong ito na pasukin ang pagiging delivery rider ngayong nawalan siya ng trabaho dahil sa pandemya

- Isa siya sa mga pansamantalang nawalan ng hanapbuhay dahil sa mga limitadong biyaheng panghimpapawid bunsod ng COVID-19

- Ngunit dahil mayroon siyang pamilyang dapat na buhayin, humanap siya ng ibang pagkakakitaan

- Laking pasalamat niya sa bagong hanapbuhay na ito na patok na patok naman ngayong panahon ng pandemya

- Nagkaroon man ng maliit na negosyo, hindi pa rin niya binitawan ang pagiging food delivery rider

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pilotong nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, isa na ngayong food delivery rider
Source: Anwar Ajid source: Facebook
Source: Facebook

Nakakabilib ang diskarteng ginawa ng pilotong si Anwar Ajid dahil matapos na mawalan ng trabaho bilang piloto, humanap agad ng maaring pagkaabalahan at pagkakitaan.

Nalaman ng KAMI na kumikita noon si Ajid ng nasa $140 o manumbas ₱7,000 kada araw sa pagiging piloto.

Subalit dahil limitado na ang mga biyaheng panghimpapawid ngayong patuloy pa rin ang paglaganap ng COVID-19 sa mundo, isa si Ajid sa mga pansamantalang nawalan ng trabaho.

Ngunit may pamilya pa ring umaasa sa kanya kaya naman kailangan pa rin niyang kumayod para may kitain.

Dito naisipan niyang pasukin ang pagiging delivery rider ng FoodPanda.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Hindi na nagdalawang isip si Ajid na pasukin ang ganitong uri ng trabaho lalo na at patok na patok naman ito ngayong panahon ng pandemya.

Malayong-malayo ang kinikita ng dating piloto sa trabaho niya ngayon ngunit masaya pa rin siya na nasususportahan niya ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya.

Ayon pa sa Rachfeed, unti-unti na ring nakapagpundar ng maliit na food business si Ajid ngunit patuloy pa rin ang kanyang pagiging isang delivery rider.

Sadyang maraming mga manggagawa at propesyon ang labis na naapektuhan dahil sa krisis na dala ng COVID-19.

Ngunit sadyang nakamamangha ang diskarte ng mga taong bagaman at sinubok ng pandemya, hindi nawalan ng loob at patuloy na hinarap ang buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gaya ng flight attendant na si Lorrie May Parungao na hindi nahiyang magtinda ng fishballs at iba pang merienda upang patuloy na masustentuhan ang kanyang pamilya.

Wala raw siyang nakikitang masama sa pagtitindang kanyang ginagawa lalo pa at kumikita parin siya sa marangal na paraan.

Sa panahon din ngayon, bukod sa delivery services at online selling, food business pa rin ang patok na pasuking negosyo kahit pa may kinahaharap tayong pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica