Alice Dixson, ibinahagi na sa wakas ang katotohanan tungkol sa "taong ahas" urban legend

Alice Dixson, ibinahagi na sa wakas ang katotohanan tungkol sa "taong ahas" urban legend

- Sa unang pagkakataon ay binasag ni Alice Dixson ang kanyang pananahimik tungkol sa napabalitang taong-ahas sa isang mall sa Metro Manila

- Ibinhagi ng aktres ang kanyang natatandaang pangyayari kung saan nagsimula ang mga haka-haka na magpasahanggang ngayon ay buhay na buhay pa

- Ipinaliwanag din niya ang tunay na dahilan ng kanyang pananahimik hinggil sa nasabing isyu sa loob ng napakaraming taon

- Sa kanyang pagsasalita, nais ng aktres na ito na ang una at huling pagkakataon na magpapaliwanag siya tungkol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang YouTube video, ibinahagi ni ALice Dixson ang kanyang paliwanag tungkol sa matagal nang haka-haka tungkol sa taong-ahas na umano ay nanatili sa Robinsons Galleria.

Totoo umano na may pangyayari na kinailangan niyang magpalit ng outfit habang siya ay nasa nasabing mall.

Naroon umano siya para sa isang movie shoot.

"I remember it actually being night, and production told me I needed to change my outfit or go into my costume," aniya.

Itinuro umano siya sa isang bathroom sa labas ng department store sa ikaapat na palapag upang magpalit ng damit.

"Natatandaan ko nga may nag-uusyoso sa labas and for some reason, while I was inside the bathroom, I said, 'Tuklaw! Tuklaw!' paglalahad niya.

Alice Dixson, ibinahagi na sa wakas ang katotohanan tungkol sa "taong ahas" urban legend

Alice Dixson (Photo from Flickr)
Source: UGC

Aniya, hindi niya matandaan kung bakit niya iyon nasabi ngunit nagpapatawa lamang daw siya.

Hindi niya inasahang mabubuo ang usap-usapan tungkol sa taong-ahas dahil sa kanyang ginawa.

Matapos lumabas ang balita sa mga tabloids, isang representative ng mall ang nakipag-ugnayan umano sa kanya ngunit hindi niya umano iyon pinansin.

"Siguro they wanted to ask me if I made these comments and these accusations, but I dismissed it. I dismissed it and went on with my business," aniya sa pag-aakalang mawawala lang naman ang mga bali-balita.

Aniya, hindi siya nagsalita tungkol dito dahil naniniwala siyang may mga isyung hindi niya dapat patulan.

"I don't have to be defensive about it, kaya that's one of my reasons why hindi ako nagkomento noon."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi niya umano naisip na kailangan niyang ipagtanggol ang sarili niya at nawala na rin iyon sa isip niya.

Nagsalita lamang umano siya para ibahagi ang totoong nangyari sa kanya.

"Nothing really happened," Alice said. "Nothing really happened in the way the urban legend or the myth dictates. Kunwari, hindi naman ako nahulog sa trap door. Hindi naman ako tumakbo sa corridor palabas papunta sa hotel, " paglilinaw niya.

Hindi rin umano totoo na pinutol ang kanyang pagsasalita habang nasa isang panayam at wala din umanong katotohanan na binayaran siya ng malaki upang manahimik hinggil dito.

"Those things are all not true."

Matatandaang lumabas ang usap-usapan tungkol sa taong-ahas noong dekada 80. Dahil sa hindi mamatay-matay na kwento tungkol dito, makailang beses na itong isinadula at isinapelikula.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Alice Dixson ay isang Filipino-American actress, commercial model, at dating beauty queen. Naging kinatawan siya ng Pilipinas sa Miss International noong 1987. Kinalaunan ay pinasok niya ang mundo ng showbiz at napabilang sa mga pelikula gaya ng Dyesebel (1990), Darna (2005) at The Ghost Bride (2017).

Nanuna nang ibinahagi ng aktres na magsasalita siya tungkol dito sa pamamagitan ng isang Instagram post sa kanyang IG account.

POPULAR: Read more about Alice Dixson here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel