Bawal pasaway! J&T Express, kinasuhan dahil sa ilang paglabag
- Sinampahan na ng PNP ng dalawang kaso ang J&T Express matapos makitaan ng paglabag sa Bayanihan Act at Consumer Protection Act
- Ayon kay PNP chief Gen. Archie Gamboa, ang CIDG mismo ang nag-imbestiga rito at nakakalap ng mga ebidensya laban sa J&T
- Nag-ugat ito matapos mag-viral ang ilang video sangkot ang mga empleyado ng kompanya at umani ng mga reklamo mula sa mga Pilipino
- Natunton din umano ng mga awtoridad ang hub ng kompanya kung saan nakuhanan ang mga empleyado nito habang walang ingat na sino-sort ang mga parcels at napag-alamang walang permit
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Matapos mag-viral ang ilang video sangkot ang mga empleyado ng courier company na J&T Express, mahaharap naman ito sa mga kasong isinampa ng Philippine National Police (PNP).
Batay sa report ng Manila Bulletin at Inquirer, sinampahan na ng PNP ng dalawang kaso ang J&T Express matapos makitaan ng paglabag sa Bayanihan Act at Consumer Protection Act.
Ayon kay PNP chief Gen. Archie Gamboa, itinalaga niya ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para mag-imbestiga rito at nakakalap ng mga ebidensya laban sa J&T.
Sinabi ng PNP na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay nito.
"As a matter of fact, other than those na naging viral sa video which was also the basis for the investigation, may mga na-find out pa including violations of the labor law of which the PNP in coordination with the DOLE is taking cognizance of it," ayon kay Gamboa.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"We were able to successfully file separate cases in violation of RA 11332 and that of 7394 or the Consumer Protection Act of the Philippines," dagdag pa ng opisyal.
Natunton din umano ng mga awtoridad ang hub ng kompanya sa Muntinlupa City kung saan nakuhanan ang mga empleyado nito habang walang ingat na sino-sort ang mga parcels at napag-alamang walang permit.
"So, because of that violation, there is a closure order, and actual pictures have been taken to implement such a closure order," sabi pa ni Gamboa.
Ayon pa sa report, kumakalap pa ng mga karagdagang ebidensya ang CIDG sa mga provincial hubs ng J&T.
"We are doing this as there might also be violations both on local ordinances in terms of permits, violations relating to Department of Trade Industry (DTI) rules, and that of DOLE," ayon kay Gamboa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Mabilis na nag-viral ang video kung saan mapapanood ang ilang empleyado ng J&T Express habang walang ingat na nag-so-sort ng mga parcels.
Nasundan pa ito ng ilang video at reklamo mula sa mga netizens sa social media.
Pero ayon sa pamunuan ng J&T, "isolated case" lamang ang nakuhanan ng video at nangakong mananagot ang mga sangkot dito.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh