Rider na nagawang sirain ang bintana ng kotse para makapagnakaw, sapul sa CCTV

Rider na nagawang sirain ang bintana ng kotse para makapagnakaw, sapul sa CCTV

- Kitang-kita sa isang CCTV footage kung paano nagawang magnakaw ng isang motorcycle rider

- Pasimple pa umano itong sumilip sa dalawang sasakyan at sinipat ang gamit na maari niyang makuha

- Napakabilis ng pangyayari dahil sa isang iglap lang ay nagawa nitong sirain ang bintana ng sasakyan

- Nang mapansin nitong may nakapuna ng kanyang nagawa, agad itong humarurot ng takbo gamit ang motor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Rider na nagawang sirain ang bintana ng kotse para nakawan, sapul sa CCTV
Source: GRABarkada MOTO source: Facebook
Source: Facebook

Sapul sa CCTV ang nagawang pagnanakaw ng isang motorcycle rider sa nakaparadang sasakyan.

Nalaman ng KAMI na tila nagpanggap pa umanong delivery rider ang lalaki dahil sa box na nasa likurang bahagi ng motor nito.

Mabilis ang bawat kilos na isinagawa ng lalaki. Pagkababa niya ng sasakyan ay agad niyang sinipat ang maari niyang manakaw sa dalawang magkatabing sasakyan na nakaparada.

Hindi nagtagal, may ginawa na siya sa bintana ng sasakyan bago pasimple na bumalik muli sa kanyang motor.

Nang kakaunti na muli ang dumadaan, doon na niyang binalikan ang bintana na nagawa na niyang itulak saka ipinasok ang halos kalahati ng kanyang katawan makapagnakaw lamang.

Nagkataong may isang lalaking dumaraan na tila napansin ang ginawa ng rider ngunit nakaharurot na ito ng takbo gamit ang kanyang motor.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nabahala ang mga netizens dahil sa panahong madalas na naka-face mask ang mga tao ngayon, tila malalakas ang loob ng iba na gumawa ng di maganda.

Isa pa rito ang tila pagpapanggap ng magnanakaw na isang delivery rider ng Grab ngunit kapansin-pansin na wala itong plate number. Masasabing tila planado nito ang kanyang ginawa.

Samantala, napag-alaman na ng Grab delivery services ang nangyari at handa silang makipagtulungan oras na makumpirma nilang empleyado nila ito o ginamit lamang ang kanilang delivery box.

Nilinaw nilang dumaraan din naman sa proseso ang pagtanggap nila ng mga riders at sinisiguro nilang kumpleto ang mga ito sa mga papeles.

“Grab does not condone such behavior. We stand ready to assist the authorities with their investigations. Should the offender be identified as a Grab partner, we will not hesitate to take appropriate actions to maintain the safety and reliability of our platform,” pahayag ng Grab Philippines.

Narito ang kabuuan ng video mula sa GRABarkada MOTO Facebook:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakalulungkot lamang isipin na matapos na hangaan ang ilan nating mga delivery riders dahil sa kabutihang nagagawa nila sa panahon ng pandemya ay may mga nakagagawa naman ng krimen at nakakaperwisyo pa ng iba.

Maging ang mga PWD ay pinasok na rin ang pagiging delivery rider sa panahon ngayon bilang ito ang patok na hanapbuhay. Ngunit mayroon talagang nakagagawa ng hindi maganda na siyang dumudungis sa imahe ng mga taong marangal na nagtatrabaho.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica