Transgender man, ipinakita ang malaking pagbabago sa loob ng 3 taon

Transgender man, ipinakita ang malaking pagbabago sa loob ng 3 taon

- Binahagi ni Clar Frias ang mga pagbabago sa kanyang sarili ngayong isa na siyang ganap na transgender man

- Base sa kanyang mga ipinakitang mga larawan, makikitang mas mukha na nga siyang lalaki sa ngayon dahil sa hormone replacement therapy na kanyang ginagawa

- Mula sa kanyang boses, maging sa kanyang kutis at lalo na sa kanyang mukha litaw na litaw ang pagbabagong kanya na ngayong ipinagmamalaki

- Paliwanag ni Clar, hindi nangangahulugan na lahat ng nangyari sa kanya dahil sa therapy ay may parehong resulta sa lahat na nagbabalak na tularan ang napagdesisyunan niya sa kanyang kasarian

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Transgender man, isinalaysay ang malaking pagbabago sa loob ng 3 taon

Clar Frias Source: Clarisse "Clar" Frias Facebook
Source: Facebook

Sa unang vlog ng dating 'That's my Tomboy' grand finalist na si Clar Frias, binahagi niya ang mga pagbabagong naganap sa kanyang sarili sa loob ng tatlong taon.

Nalaman ng KAMI na sumasailalim si Clar sa hormone replacement therapy na siyang nagiging dahilan kung bakit mas mukha na talaga siyang lalaki sa ngayon.

Mula sa kanyang boses at sa pagbabago sa iba't ibang bahagi ng katawan ay nabanggit ni Clar.

Mapapansin ding tila nagkaroon na siya ng muscles kumpara sa balingkinitan niyang katawan noong hindi pa siya sumasailalim sa testosterone therapy.

Ang dating matinis niyang boses ay lumagong na at maging sa kanyang lalamunan ay ramdam niya ang pagbabago.

Ang kanyang ilong ay nabago rin nang di niya inaasahan at ang kanyang mukha ay mas lalo raw lumapad.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kung dati ay maputi at makinis ang kanyang buong katawan, ngayon ay nagkaroon na rin siya ng higit na mas maraming buhok sa iba't ibang bahagi nito.

Napansin din niyang naging mas magana siyang kumain kumapara noong masasabi pa niyang 'girl' pa siya.

Gayunpaman, bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan na unti-unti na niyang nakakamit ang nais niyang kasarian.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang therapy ito ni Clar ay kahalintulad sa napagdesisyunang gawin ni Jake Zyrus. Nakilala siya noon bilang isang mahusay na mang-aawit na si Charice Pempengco ngunit nang magbago na siya ng kasarian, ipinakilala niya ang sarili bilang si Jake Zyrus.

Nabanggit niya kamakailan na sana'y nakilala na agad siya bilang Jake at hindi bilang si Charice upang hindi na raw siya nahirapan sa mga pagbabago.

Nito lamang Hulyo 17, isa ring rebelasyon ang ibinunyag ni Xander Ford tungkol sa kanyang pagkatao. Hayagan niyang sinabi sa kanyang Instagram stories na bahagi na siya ng LGBT community na ikinagulat ng marami.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel