Ate Gay, inalala ang mga huling mensahe ng pumanaw na kaibigan na si Kim Idol
- Binahagi ni Gil Morales o mas kilala bilang si Ate Gay ang mga palitan nila ng text ng pumanaw na kaibigan na si Kim Idol
- Ebidensya ito kung gaano kalapit ang dalawa na kahit sa oras ng pandemya ay nakuha pa rin pa rin pagmalasakitan ang isa't isa
- Tila nami-miss agad ni Ate Gay ang yumaong kaibigan at makailang beses na rin siyang nagpost sa kanyang social media kung saan si Kim Idol ang laman
- Sina Ate Gay at Kim Idol ay ilan lamang sa maituturing na mahuhusay na komedyante sa ating bansa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinahagi ng komedyanteng si Gil Morales o mas kilala bilang si Ate Gay ang isa sa mga huling mensahe sa kanya ng pumanaw na kaibigan na si Kim Idol.
Nalaman ng KAMI na ilang araw makalipas ang pagpanaw ni Kim, tila nami-miss agad ito ng malapit niyang kaibigan na si Ate Gay.
Makikita na ang mensahe ay ipinadala ni Kim noong April 19, kung saan nasa ilalim pa ng enhanced community quarantine ang Metro Manila.
Mapapansing tila naglalambing si Kim kay Ate Gay na kahit naka-lockdown, gumawa ito ng paraan para madalhan ng pagkain ang matalik na kaibigan.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Kim Idol: "Dadalhan sana kita ng food, bukas na lang"
Ate Gay: "Ba't ka nakakalabas e sarado lahat ng kanto?"
Kim Idol:"Kasi Mahal Kita!"
Ilan lamang ito sa palitan ng mensahe ng dalawa. Patunay lamang kung gaano ka-close ang dalawa na sa panahon ng pandemya ay di nakalimutang pagmalasakitan ang isa't isa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sina Ate Gay at Kim Idol ay mas unang nakilala bilang stand-up comedians ng mga comedy bars partikular na ng Klownz na pagma-may-ari ng TV host at komedyanteng si Allan K.
Mas nakilala si Ate Gay sa husay ng kanyang pag-impersonate sa nag-iisang Nora Aunor.
Samantala, pumanaw si Kim Idol noong Hulyo 14 ilang araw matapos na ito ay mag-collapse sa Philippine Arena kung saan nag-volunteer siya bilang isang frontliner.
Sa ulat ng 24 Oras, nakumpirmang Arteriovenous Malformation (AVM) ang naging dahilan ng kanyang pagpanaw.
Nabanggit na ito ni Kim sa ilang interviews niya sa GMA News kung saan 2015 nang malaman niya ang kanyang kondisyon.
Minsan nang naging bahagi ng Eat Bulaga si Kim Idol kung saan nakilala siya sa husay niya sa paggaya ng ilang personalidad tulad ni Leila de Lima at ang pag-iiba-iba niya ng kanyang boses kaya nabansagan din siyang "Kim dinosaur."
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh