Empleyadong hirap mag-commute, binigyan ng murang car plan ng kanyang boss

Empleyadong hirap mag-commute, binigyan ng murang car plan ng kanyang boss

- Masuwerte ang empleyadong si Rhea Ylanan at nagkaroon siya ng kotse nang dahil sa mabait niyang boss

- Ayon sa boss ni Rhea, isa sa mga loyal employees niya ito at dahil sa limatado pa rin ang mga sasakyan, kalbaryo ang makarating sa kanilang opisina

- Naisipan ng boss na iregalo ito kay Rhea sa kanyang kaarawan at bilang gantimpala na rin sa pagiging isang mabuting empleyado

- Sa halagang ₱2,500 kada payday, mababayaran na niya ang kotseng masasabing sarili na niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Empleyadong hirap mag-commute, binigyan ng murang car plan ng kanyang boss
Si Rhea na tatlong araw lang daw natutong magmaneho ng kanya na ngayong sariling kotse. (Photo Source: halftheprice Instagram)
Source: Instagram

Isa ang empleyado ng online store na Half The Price na si Rhea Ylanan sa mga nahirapan sa pagko-commute ngayong panahong nasa ilalim pa rin ng community quarantine ang bansa.

Nalaman ng KAMI na dahil sa dedikasyong ipinakita sa kanyang trabaho, naisipan siyang regaluhan ng kanyang boss.

Sa Instagram post ng Half the Price isang linggo na ang nakalilipas, binahagi ng chief operating officer na si Ricca del Rosario kung bakit niya naisipang gawin.

"Because I share every milestone with you, HTP girls, here’s another one! A car for HTP angel, Rhea!" Ang bungad ni Ricca sa kanyang post.

Binigyan niya ng mura at abot kayang car plan ang masipag niyang supervisor upang hindi na ito mahirapan sa pagpasok niya sa kanilang opisina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa loob ng limang taon, ₱2,500 lang ang babayaran nito kada sahod nang walang interes.

At dahil sa desidido talaga siyang pangatawanan ang regalo ng kanyang boss, natuto agad magmaneho ng kotse si Rhea sa loob lamang daw ng tatlong araw.

Hindi na iba si Rhea sa kanyang boss kaya hindi siya nagdalawang isip na biyayaan ang supervisor ng HTP.

Ayon kay Ricca, one HTP Angel at a time. Ibig sabihin, may mga plano rin siya sa mga masisipag niyang empleyado lalo na kung ipagpapatuloy ng mga ito ang katapatan at pagpupursige para sa kanilang kompanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng Instagram post:

Nakaka-inspire ang ganitong klaseng kwento na sa kabila ng pandemya, may mga taong handa pa ring tumulong sa kapwa nilang higit na nangangailangan.

Tulad na lamang ng pizza delivery man na si Raymond Papellero na bumibili ng mga tinapay mula sa kanyang tip para ipamigay sa mga nagugutom sa kalsada noong naka-enhanced community quarantine ang Metro Manila.

Dahil sa kabutihang kanyang ipinamalas, nabiyayaan siya ng pinapasukang trabaho ng halagang ₱10,000. Ngunit ang mas nakakataba ng puso ay nang mabigyan din siya ng pagkilala ng Araneta Group of Companies. ₱100,000 ang binigay ng malaking kompanyang ito sa kanya dahil sa pagtulong niya sa mga nagugutom noong lockdown.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica