Pulis na dating hinangaan sa socmed, muli na namang nag-viral
- Muling hinangaan sa social media ang pulis na dati nang nag-viral dahil sa kanyang pagiging matulungin
- Sa isang post ng netizen na nasaksihan ang ginawa nito kamakailan, ibinahagi nito kung paanong tinulungan ng pulis ang isang matandang vendor
- Napag-alaman naman na ang pulis pala na ito ang tumulong at nagbigay ng $100 sa isang working student
- Kaya naman ang mga netizens, dumoble ang papuri para sa magiting at matulunging pulis
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Marami ang naantig ang damdamin sa viral post ng isang netizen kung saan ibinahagi nito kung paano tinulungan ng isang pulis ang isang matandang ice cream vendor.
Sa post ni Dustin Rafael Cinco, isang frontliner, ikwinento nito nang minsang makasabay niya ang pulis na nakilalang si Police Corporal Sirjon Nacino sa isang tindahan sa Maynila.

Source: Facebook
Nauna raw si Cinco na makaoorder kung kaya naman nakita niya kung paano umorder si Nacino ng siomai na halagang P45 at nagbayad ng P1,000.
Naunang naibigay ang order ng pulis kaya naman nasaksihan pa niya nang puntahan nito ang matandang vendor na nagtitinda sa isang gilid ng kalsada.
"Pagkakuha nya ng order nya lumapit sya kay tatay na naka blue na nagtitinda ng pinipig flavor ice drops," ayon sa netizen.
Bumili raw ito ng ice cream na paninda ng matanda na tantiya niya ay nagkakahalaga lang ng P50 pero sobra-sobra raw ang ibinayad ng pulis.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"So lumapit na si kuyang pulis. Bumili sya ng 2 pirasong pinipig flavor na ice drops na sa tingin ko wala pang 50 pesos ung 2 piraso na un.
"Nagulat ako sa binayad ni kuyang pulis. Ung almost 900 plus pesos na sukli nya sa dimsum treats binayad nya lahat kay tatay," dagdag pa nito.
Nagulat din daw ang matandang vendor at sinubukan pang ibalik sa pulis ang sukli nito. Sa huli, nakita niya kung gaano kasaya ang matanda at agad na naghanda na para umuwi.
Labis-labis na hinangaan ni Cinco si Nacino kaya naman hindi niya naiwasang i-post ang tungkol sa kabutihan nito.
Matapos niyang mai-post sa social media ang pangyayari ay tsaka niya lang napag-alamang si Nacino pala ay dati na ring nag-viral dahil sa kanyang pagtulong sa isang working student.
"Sorry guys medyo huli lng sa balita. Hahaha. May nag PM sakin ng FB ni sir. Apparently sya pala ung pulis na nagbigay ng $100 dun sa working student na napadaan sa checkpoint na minamanduhan nya. Oh dba. Ang generous tlga ni sir kaya lalo syang pinagpapala ng siksik, liglig at umaapaw," ayon pa kay Cinco.
Kaya naman ang mga netizens dumoble pa ang paghanga sa magiting at matulunging pulis!
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kinilala ng marami ang pagtulong ni Police Corporal Sirjon Nacino matapos nitong tulungan at bigyan ng $100 ang isang estudyante na nasita sa isang checkpoint nang malamang nagta-trabaho ito para sa pag-aaral.
Dahil dito, nakatanggap ng P100,000 pabuya si Nacino mula sa isang anonymous sender.
Ilang istorya pa ng pagtulong ng ating mga kapulisan ang nag-viral din katulad na lamang ng istorya ng isang matandang babae na tinulungan din ng isang police trainee.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh