Magkapatid na babae, tinamaan ng kidlat nang kumuha ng sangkap para sa paninda

Magkapatid na babae, tinamaan ng kidlat nang kumuha ng sangkap para sa paninda

- Sa gitna ng pandemya sa bansa, binawian ng buhay ang magkapatid na babae matapos silang tamaan ng kidlat

- Kwento ng mga magulang, umakyat sa bundok ang magkapatid upang kumuha sana ng sangkap para sa paninda nilang suman

- Subalit, inabutan naman ang mga ito ng masamang panahon na may kulog at kidlat pa

- Labis naman ang lungkot at pagluluksa ng mga magulang sa pagpanaw ng dalawang anak nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang magkapatid na babae ang tinamaan ng kidlat at binawian ng buhay sa Laurel, Batangas.

Nalaman ng KAMI na umakyat ng bundok ang magkapatid upang kumuha ng sangkap para sa kanilang panindang suman.

Magkapatid na babae, tinamaan ng kidlat nang kumuha ng sangkap para sa paninda

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, alas-10 ng umaga nang mamundok ang magkapatid upang kumuha ng buko at mangga.

Subalit, inabutan sila ng masamang panahon na may kasama pang kidlat. Kaya naman, nakisilong muna sila sa isang kubo. Hindi nagtagal ay tinamaan ng malakas na kidlat ang magkapatid na dalaga.

Naitakbo pa sa ospital ang magkapatid ngunit wala na talagang buhay ang mga ito at kinumpirma ng doktor na tama ng kidlat ang dahilan sa pagpanaw nila.

Aminado ang ama ng mga dalagita na si Jason na masakit ang nangyaring ito sa kanila dahil doble ang pag-iingat nila sa COVID-19 ngunit sa ibang paraan naman pumanaw ang mga anak niya.

“Sobra ang pag-iingat na ginagawa ko sa aking mga anak. Unang unang ho ang mga 'yan di ko pinaalis ng bahay. Kung aalis man ho dito lang sa bundok pupunta ng bukid yun lang," aniya.

Base naman sa imbestigasyon ng Laurel Police, maaaring ang cellphone ng isa sa mga dalagita ang naging sanhi ng pangyayari.

"Siguro kaya nagkaganun ay dahil sa cellphone nung isa sa kanilang anak na si Kheycee nakababata, nung pagkatama ng kidlat, nakita nila na nagcrack ang cellphone ng batang si Kheycee," sabi Police Capt. Garry Abregunda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang balita naman ng KAMI, isang magkapatid din sa Zamboanga City ang pumanaw matapos tamaan ng kidlat noong nakaraang taon.

Samantala, kuhang-kuha naman sa video ang nakakakilabot na pagsabog ng Bulkang Taal na may kasama pang kidlat.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel