DJ Chacha, nagpa-Tulfo para matulungan ang kapatid na "pinatay" sa FB

DJ Chacha, nagpa-Tulfo para matulungan ang kapatid na "pinatay" sa FB

- Inilapit ni DJ Chacha sa programa ni Raffy Tulfo ang reklamo laban sa isang netizen na nagpakalat na patay na ang kanyang nakababatang kapatid

- Nag-ugat ang insidente sa pinag-uusapan pa ring ibinasurang franchise renewal ng ABS-CBN

- Laking-gulat na lang daw ni DJ Chacha nang may mga kakilala sila na nakikiramay sa kanya sa "pagkamatay" ng kapatid

- Ayon sa isang abogado, malaki ang tyansa na mapapanagot ang netizen sa kanyang ginawa na maaaring kasuhan ng cyber libel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging emosyonal ang radio DJ na si Czarina Marie Balba o mas kilala bilang si DJ Chacha nang idulog sa programa ni Raffy Tulfo ang reklamo laban sa isang netizen na nagpakalat sa social media na patay na ang kanyang nakababatang kapatid na si Fitz Gerald Balba.

DJ Chacha, nagpa-Tulfo para matulungan ang kapatid na "pinatay" sa FB

Photo from DJ Chacha Facebook page
Source: Facebook

Ayon kay Fitz, nag-ugat ang insidente nang magkaroon sila ng argumento tungkol sa ibinasurang franchise renewal ng ABS-CBN.

Pero nang hindi na raw naging maganda ang takbo ng kanilang debate ay nagpasya na lamang siya na tapusin na ito at i-block ang inirereklamong si Carla Tan Datu.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matapos nito ay nag-post na si Carla sa social media na siya ay patay na at ikinalat pa iba't ibang FB pages na nakarating pa umano hanggang sa ibang bansa.

Inamin naman ng babae ang kanyang pagkakamali pero gayunman ay nasaktan din daw ito sa sinabi ni Fitz na: "ang bobo ng argument mo."

Ngunit ayon sa isang abogado na nakausap ni idol Raffy, hindi ito maaaring sabihin na paninira sa isang tao.

At sa halip ay malaki pa ang tyansa na makasuhan si Carla dahil napakalinaw ng ginawa nitong pagpapakalat ng maling balita na makakaapekto sa isang tao na pasok sa kasong cyber libel.

Desidido ang magkapatid na ituloy ang kaso laban kay Carla.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si DJ Chacha Balba ay kilalang radio DJ ng radio station ng ABS-CBN na MOR 101.9.

Naging contestant din ito sa season seven ng Kapamilya reality show na Pinoy Big Brother.

Siya ang author ng librong 'Napakasakit Ate Chacha'.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel