Inang iniwan ng mga anak, natagpuan ng kapitbahay sa ilalim ng lababo
- Viral ang video at larawan ng isang ina na walang awang iniwan ng kanyang mga anak sa ilalim ng lababo ng inalisang bahay
- Naglipat na umano ng ibang tirahan mga anak ngunit sa kasamaang palad iniwan na lamang nila ang inang tila mayroon nang karamdaman
- Halos maluha ang mga kapitbahay na nagmalasakit sa ina na dalawang araw nang nasa ilalim lang ng lababo at hindi na ito makagalaw
- Nang makausap ng nagmalasakit na kapitbahay ang mga anak, agad nilang tinanong kung bakit naman inihuli pa ang ina kung may balak naman pala silang isama talaga ito
- Nakuha na muli ng mga anak ang kaawa-awang ina at napadalhan na rin ito ng tulong ng iba pang nagmalasakit na netizens na nakakita ng viral post
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang nadurog ang puso nang makita ang post ng netizen na si Kristine Vargas Tatad na tumulong sa isang ina na iniwan na lamang ng kanyang mga anak sa ilalim ng lababo.
Nalaman ng KAMI na naglipat na raw umano ang mga anak nito ngunit sa kasamaang palad, hindi isinama ang inang halos buto't balat na.
Sa post ni Kristine, makikita ang kalunos-lunos na kalagayan ng ina na wala pang saplot nang kanilang matagpuan.
Naiyak na rin ang ina ni Kristine nang makita ang kaawa-awang matanda na humihingi ng saklolo.
Agad nila itong binalutan ng tela gayung nakatakip lamang ang plywood at container ng tubig dito.
Dalawang araw na raw ang lumipas nang iwan siya roon ng mga anak na hindi manlang siya binigyan ng makakain.
Dali-dali nilang tinulungan ang matanda upang mapakain at mabihisan dahil hindi na ito talaga makagalaw.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Agad din nilang hinanap ang anak ng matanda upang alamin kung bakit nila nagawang iwan ang ina roon.
Katwiran ng mga ito, babalikan naman daw nila ang ina at inuna lamang ang mga kagamitan.
Ngunit agad itong sinagot ng sumaklolo sa matanda na hindi dapat gamit ang inuna at dapat na ang ina ang inintindi.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa panibagong post ni Kristine, makikitang maayos na ang kalagayan ng matanda na nasundo na rin ng kanyang mga anak.
Sa pangambang baka ulitin muli ng mga anak ang pang-iiwan sa ina, humingi na ng tulong sa DSWD ng nilipatang lugar ng matanda upang masubaybayan ito.
Dinagsa na rin ng tulong ang ina mula nang mag-viral ang post ni Kristine.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh