53-anyos pedicab driver na inakusahang nagnakaw ng de lata, arestado
- Arestado ang isang 53-anyos na lalaki at isang pedicab driver sa Maynila matapos itong akusahang nagnakaw ng dalawang de lata
- Ayon sa report ng pulisya, nahuli ng guwardiya ng grocery store ang lalaki na nagtangay umano ng dalawang luncheon meat na nagkakahalaga ng P381
- Base sa report, hinold muna ng management ng grocery store ang lalaki upang bigyan ng pagkakataon na makapagbayad
- Ang mga netizens naman, hindi pa rin naiwasang maawa sa lalaki sa kabila ng ginawa nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Inaresto ng mga awtoridad ang isang 53-anyos na lalaki at isang pedicab driver sa Maynila matapos itong akusahan ng pagnanakaw ng dalawang piraso ng de lata.
Ayon sa report ng pulisya, nahuli ng guwardiya ng grocery store ang lalaki na nagtangay umano ng dalawang luncheon meat na nagkakahalaga ng P381 noong Biyernes ng gabi, batay sa ulat ng ABS-CBN News.
Nakalabas na umano ang lalaki nang sitahin ito dahil sa mga 'di pa umano nabayarang de lata.
Sinabi rin sa ulat na hinold muna ng management ng grocery store ang lalaki upang bigyan ng pagkakataon na makapagbayad.
Pero sa kasamaang-palad ay hindi dumating ang asawa nito para bayaran ang mga diumano'y ninakaw nito.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sumailalim pa raw ang lalaki sa medical check-up bago itinurn over sa Ermita Police Station.
Nakatakda itong humarap sa Manila City Prosecutor's Office para sa kasong shoplifting.
Narito ang tweet mula sa kay Michael Joe Delizo:
Ang mga netizens naman, hindi pa rin naiwasang maawa sa lalaki sa kabila ng ginawa nito.
"Baka nman po walang wala na taLaga siLa.makain kyA nagawA ni tAtAy."
"He and his family are hungry. When you are hungry and no money, what can a human do? Please help the man or let me know how I can help please."
"Nagawang magnakaw ng isang ama dahil sa hirap ng buhay para lang my ipakain sa mga anak."
"Nakakalungkot . Pero ito ang mukha at larawan ng ating lipunan."
"Kawawa nmn pairalin nyo naman humanity."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh