Mag-asawang nakatira sa jeep, naluha sa bahay na inayos ng programa ni Angel Locsin

Mag-asawang nakatira sa jeep, naluha sa bahay na inayos ng programa ni Angel Locsin

- Naiyak sa labis na kasiyahan ang mag-asawang dalawang taon nang naninirahan sa loob ng pinapasadang jeepney ng mister

- Dahil sa tigil pasada ang mga pampasaherong jeep mula pa noong Marso, mas lalong naging mahirap ang kalagayan ng mag-asawa

- Maswerte silang natulungan ng programa ng aktres na si Angel Locsin at napaayos ang kanilang bahay sa Rizal

- Bukod dito, nabiyayaan din sila ng programa ng sari-sari store at iba pang pangkabuhayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mag-asawang nakatira lang sa jeep, naluha sa bahay na inayos ng programa ni Angel Locsin

Isa ang jeepney driver na si Jimmy Escalante at misis nitong si Emilia sa mga nabiyayaan ng programa ni Angel Locsin na 'Iba Yan.'

Nalaman ng KAMI na dalawang taon nang naninirahan ang mag-asawa sa loob ng jeep na minamaneho ng mister.

Mas lalong naging mahirap ang kanilang kalagayan nang malagay sa community quarantine ang Metro Manila na siyang naging hudyat ng kanilang tigil pasada hanggang ngayon.

Dahil sa mga pangyayaring ito, hiling na lamang ng mag-asawa na makabalik sa kanilang tahanan sa Rizal.

Tutuntong na rin kasi ng 60-anyos si Mang Jimmy kaya nais na rin sana nitong magretiro ng maayos.

Lingid sa kaalaman ng mag-asawa na inaayos na ng programang 'Iba Yan' ang kanilang bahay sa Rizal.

Bukod pa rito, binigyan din sila ng sari-sari store at iba pang mapagkakakitaan para hindi na rin aalis para maghanapbuhay pa si Mang Jimmy.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kaya naman nang dalhin na sila ni Angel Locsin sa kanilang 'bagong bahay' halos hindi makapaniwala ang dalawa sa kanilang nakita.

Tila nagdalawang-isip pa ang mga ito kung tama nga ba ang napuntahan nilang bahay dahil malayo na ang itsura nito noong iniwan nila itong puro tambak lang ng kanilang gamit.

Lalong naging emosyonal ang mag-asawa nang ipakita na ni Angel ang sari-sari store na siya nilang magiging negosyo.

Mayroon din silang mga siomai pang-merienda na kanila ring ibebenta bilang karagdagang kita bukod pa sa tindahan nila.

Walang tigil sa pag-iyak ang dalawa lalo na ang misis ni Jimmy na labis-labis ang pasasalamat sa mga biyayang kanilang tinatamasa.

Sobra-sobra silang nagpapasalamat sa programa ni Angel Locsin na siyang naging daan upang maging maayos ang kanilang pamumuhay.

Ang 'Iba Yan' ay isang programa ng Kapamilya Network kung saan host ang aktres na si Angel Locsin.

Tunay na nababagay ito sa tinatawag ng marami na "real-life Darna" na noon pa man ay kilala na sa kusang loob na pagtulong sa mga Pilipino.

Isa si Angel sa tahimik na tumutulong sa mga sa iba't ibang paraan na kanyang makakaya sa laban ng bansa kontra COVID-19.

Isa na rito ang fundraising campaign niya noong Mayo para naman sa mass testing ng mga Pilipino.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel