Motoristang nakabangga ng bike, nalula sa halaga nitong halos kalahating milyong piso

Motoristang nakabangga ng bike, nalula sa halaga nitong halos kalahating milyong piso

- Nagulat ang motoristang nakabangga ng isang naka-bisikleta nang malaman ang halaga nito

- Napag-alamang umaabot sa mahigit ₱450,000 ang halaga ng bisikleta na noo'y gamit ng isang 71-anyos na lalaki

- Ligtas ang parehong naaksidente at walang malubhang nasugatan maliban sa bisikleta na naputol ang top tube

- Sa comment section, isang lalaki ang nagpakilala na anak ng may-ari ng bisikleta at sinabing huwag nang alalahanin ang bike dahil ang mahalaga ay ligtas ang kanyang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Motoristang nakabangga ng bike, nalula sa halaga nitong halos kalahating milyong piso

Viral ang post tungkol sa nabanggang bisikleta na nagkakalahalaga ng halos kalahating milyong piso.

Nalaman ng KAMI na isang 71-anyos ang gumagamit ng bisikletang may katumbas na halaga na mahigit ₱450,000.

Gulat na gulat ang nakabangga dito na nagmamaneho naman ng motor.

Sa mga larawang binahagi ng viral videos, makikitang putol ang top tube ng bike na kung ipaayos, malaki rin ang magagastos dito.

Ipinakita rin sa post ang larawan ng bike na Colnago at may brand na Cicli Corsa na nagpapakita nga ng halaga nito na 8, 166 EUR o ₱458,953.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Wala namang naiulat na nasaktan sa aksidente maging ang nakabangga sa bisikleta.

Samantala, sa comment section ng post, isang lalaki ang nagpakilalang anak ng may-ari ng bisikleta.

Tila hindi na nito pinababayaran pa ang bike dahil mas mahalaga raw ang buhay ng ama na nasa maayos na kalagayan na ngayon.

Dahil dito, umani ng papuri ang pamilya ng biktima na tila naunawaan naman ang kalagayan ng nakabangga sa ama at hindi raw nito kaya ang halagang maaring abutin para sa bisikleta.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel