'Pandemic Girl', muli na namang kinagiliwan dahil sa bago nitong pasabog

'Pandemic Girl', muli na namang kinagiliwan dahil sa bago nitong pasabog

- May bago na namang pasabog si Maricon Panizales o mas kilala bilang si "Pandemic Girl"

- Matatandaang biglang sikat ni Maricon dahil sa mga viral videos niya na kinagiliwang panoorin ng mga netizens ngayong panahon ng pandemya

- Sa bago niyang video, ginawan na rin niya ng choreography ang kanyang kanta para sa mga bashers na unang napanood sa "Kapuso Mo, Jessica Soho"

- Aliw na aliw ang mga netizens kay Pandemic Girl dahil na rin sa positibong pananaw nito sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

'Pandemic Girl', muli na namang kinagiliwan dahil sa bago nitong pasabog

Muli na namang gumawa ng ingay online si Maricon Panizales o mas kilala bilang si "Pandemic Girl" dahil sa bago niyang video.

Nalaman ng KAMI na ginawan pa pala nito ng choreography ang kantang naisulat niya sa kanyang mga bashers na unang ipinalabas sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Kaya naman habang kinakanta niya ang "Bashers, Bashers, Scroll, Ignore, Block", pinakikita rin niya ang dance steps ng kanyang awitin.

Aliw na aliw ang mga netizens dahil kahit na lumalabas na katatawanan ang pagkanta at pagsayaw ni 'Pandemic Girl', hinahangaan pa rin nila ito sa pagiging positibo sa buhay.

Kung tutuusin, ang lyrics ng kanyang awitin sa mga bashers ay makabuluhan at makatotohanan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang kabuuan ng video na muling kinagiliwan ng maraming netizens:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Maricon Panizales o 'Pandemic Girl' ay isang OFW sa Abu Dhabi. Maswerte siya sa kanyang amo na suportado ang kanyang pagiging social media star dahil sa mga versions niya ng kanta na binabahagi online.

Sa naunang ulat ng KAMI, naibalitang napansin ng Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda ang kakulitan ni Pandemic Girl sa kantang Bagsakan kung saan isa si Chito sa mga orihinal na kumanta kasama si Gloc-9 at Francis Magalona.

Kamakailan ay napansin din siya ni Jamir ng bandang Slapshock dahil sa kakaibang bersyon nito ng kantang "Cariño Brutal" at "Agent Orange".

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel