Netizens, nalula sa ₱629,000 na nalikom ng bagong kasal sa kanilang 'prosperity dance'

Netizens, nalula sa ₱629,000 na nalikom ng bagong kasal sa kanilang 'prosperity dance'

- Umabot sa tumataginting na ₱629,000 ang kabuuang halaga na nalikom ng newlyweds sa kanilang prosperity dance

- Binahagi ng kanilang wedding videographer ang mga larawan na nagpapakita ng kumpol kumpol na perang nakakabit sa damit ng bagong kasal

- Karamihan pa sa mga ito ay nakaaayos pamaypay kaya naman alam na marami talagang nagbigay mula sa kanilang mga bisita

- Hindi raw maiwasan ng mga netizens na mainggit at nakuha pang magbiro ng ilan na ipagpapaliban muna ang pagpapakasal kahit pinahihintultan na ito ngayong GCQ para magawa rin nila ang ganitong prosperity dance

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nag-viral ang larawan ng bagong kasal mula Tagum City Davao del Norte dahil sa nakakalulang laki ng halaga na nakuha nila sa kanilang prosperity dance.

Binahagi ng kanilang wedding videographer na si Ernie Piamonte Balili ang larawan ng newlyweds na halos mapuno na ang mga kasuotan nilang pang kasal ng kumpol-kumpol na ₱500 at ₱1000.

Nakaayos pang parang pamaypay ang ilang nai-kabit na pera kaya naman malalaman agad kung gaano karami ang naibigay ng kanilang mga bisita.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa dami, umabot ito sa tumataginting na ₱629,000 na maaring mas malaki pa sa ginastos ng mga nagpapakasal.

Dahil dito, hindi raw mapigilan ng ilang netizens na makaramdam ng inggit sa laki ng nalikom nilang salapi.

Ang ilan, nakuha pang magbiro at sinabing kaya ayaw nilang magpakasal muna sa ngayon, bukod sa may COVID-19 pa, ay dahil nais nilang makaranas ng ganitong klase na prosperity dance.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Grabe big time ang family, mapapa-sana all ka na lang talaga e!"
"Sino po ba ang bisita nila, iimbitahin ko rin po sa kasal ko?"
"Ay grabe, bawing-bawi na agad sila sa nagastos nila sa kasal"
"Mahina ata ang limang libo sa mga nakasabit sa damit nila e"
"Di muna ako papakasal ngayong GCQ, bawal ang guests e, pano ako makakapagpaganito?"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica