Lalaking nag-viral sa pagsasauli ng napulot na wallet, humihingi ng saklolo

Lalaking nag-viral sa pagsasauli ng napulot na wallet, humihingi ng saklolo

- Minsan nang nag-viral ang isang lalaking palaboy at walang trabaho na nagsauli ng napulot na wallet

- Sa kabila ng matinding pangangailangan, hindi niya pinag-interesan ang laman ng napulot na pitaka

- Mayroon din siyang karamdaman subalit mas pinili niyang maging tapat at isinauli pa rin ang wallet sa may-ari nito

- Humihingi na ng tulong ang lalaking nag-viral dahil na-ospital siya dahil sa sakit na goiter at dahil wala siyang kapera-pera, lakas loob siyang kumakatok sa mga puso ng taong maaring makatulong sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nitong Abril, umani ng papuri ang lalaking si Jheonathan Romasanta matapos na isauli niya ang napulot na wallet ni Charlon Ignacio.

Nalaman ng KAMI na palaboy at walang trabaho si Jheonathan ngunit hindi niya pinag-interesan ang laman ng pitaka.

Mas lalo siyang hinangaan nang malamang mayroon pala siyang iniindang sakit na hindi nabibigyan ng medikal na atensyon subalit nangibabaw pa rin ang paggawa niya ng mabuti.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maayos na naibigay kay Charlon ang wallet kaya naman binahagi niya ang kwento ng katapatan ni Jheonathan.

Ngunit matapos ang mahigit na isang buwan, lakas loob na nagkomento si Jheonathan sa post ni Charlon tungkol sa kanya.

Binahagi rin niya ang kanyang larawan na nasa wheelchair at may dextrose dahil kasalukuyan daw siyang nasa ospital at lumalala na ang kanyang thyroid disease.

Dumidiskarte lamang ng pagiging parking attendant si Jheonathan kaya wala raw siyang maipampagamot sa sarili.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mapapansing mas pumayat na nga ito kumpara sa larawan niya nang magsauli siya ng wallet ni Charlon.

Hangad ng netizens na marami ang makatulong sa matapat na lalaking ito para gumaling na rin siya sa kanyang karamdaman.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica