Pasig Mayor Vico Sotto, ibinahagi ang dahilan ng pagkabahala sa nauusong FaceApp

Pasig Mayor Vico Sotto, ibinahagi ang dahilan ng pagkabahala sa nauusong FaceApp

- Ibinahagi ni Pasig Mayor Vico Sotto ang kanyang pagkakabahala sa nauusong FaceApp

- Ito ay matapos mauso ang mobile application lalo na sa mga social media platforms

- Ibinahagi niya rin ang dahilan kung bakit siya nabahala matapos niyang mabasa ang terms and conditions ng nasabing app

- Nagbigay babala na rin ang ilan sa mga eksperto hinggil sa nasabing mobile application

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naghayag ng pagkabahala si Pasig City Mayor Vico Sotto kaugnay sa nauusong FaceApp.

Matapos niyang magbahagi ng screenshot ng isa sa mga nakatala sa terms and condition ng nasabing mobile app.

Aniya, paano kapag may gumamit ng litrato mo ng walang permiso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, isang netizen ang nagtanong kung pabor ba siya sa paggamit ng FaceApp.

Mayor @VicoSotto may question ako naiinis ka na ba sa face app? ang ibig bang sabihin you are not in favor na gamitin yung mga pictures mo for posting or sharing? sa face app lang ba or sa lahat?

Paglilinaw ni Mayor Vico, hindi siya naiinis pero nakakabahala lamang ang ilan sa makikita sa terms and coditions nito.

Nakakatuwa siya. Hindi po ako naiinis. Pero kung babasahin niyo yung thread na ni-quote ko makikita niyo kung bakit may pangamba ang iba sa mga app katulad nito. Data could be used by people with bad intentions.#FaceApp

Dagdag pa niya, para sa kanya, hindi naman mapanganib ang ganitong app ngunit nakababahala aniya kung gaano kadali para sa ibang tao na gumamit ng litrato mula sa iba.

The way it appears to me, apps like #FaceApp don't pose a NEW danger. It's not that difficult to get/steal pictures and data from people. The scary thing is the speed and scale at which they can now do it, while we unknowingly help them.

Matatandaang ilang eksperto na rin ang nagbigay babala hinggil sa mobile application na dati na ring nauso dahil sa feature nito na nakapagpapatanda ng mukha ng isang tao sa litrato.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ang FaceApp ay isang mobile application para sa iOS at Android na gawa ng Russian company na Wireless Lab. Ang app na ito ay nakakapagbago ng mukha ng isang tao depende sa nanaisin ng isang user. Maaring mapangiti, maayos ang ngipin, mapabata, gawing mukhang matanda at palitan ang kasarian ng tao sa isang litrato.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel