2 OFW sa Riyadh, namumulot ng pagkain mula sa basura dala ng matinding gutom

2 OFW sa Riyadh, namumulot ng pagkain mula sa basura dala ng matinding gutom

- Nag-viral ang dalawang OFW sa Riyadh, Saudi Arabia na namumulot na lamang ng makakain mula sa basurahan

- Mula nang mag-lockdown sa kanilang lugar noong Marso, isang beses lamang daw sila nabigyan ng ayuda

- Hindi rin daw sila nagawang tulungan ng pinapasukang kompanya at kasalukuyan pa rin silang walang hanapbuhay doon

- Humihingi sila ng tulong sa pamahalaan ng ating bansa dahil matinding gutom din ang kalaban nila bukod sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sapul sa video ang ginagawang pangangalap ng pagkain ng dalawang OFW sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon kay Cristop Gomez na siyang nagbahagi ng video, awang-awa siya sa sinapit ng kanyang kapatid doon kaya naisipan niyang i-post ang totoong kalagayan nito sa Riyadh.

Mula nang mag-lockdown sa Saudi Arabia noong Marso bilang pag-iingat din sa pagkalat ng COVID-19, isang beses lamang nakatanggap ng ayuda ang kapatid ni Cristop at ang mga kasama rin nitong OFW.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Wala rin umano silang tulong na natanggap sa pinapasukang trabahao kaya naman gutom ang inaabot nila araw-araw.

Ito ang nag-udyok sa kanila upang mangalap na lamang ng makakain sa basurahan may mailaman lamang daw sa kumakalam nilang mga sikmura.

Hanggang ngayon, wala pa ring kasiguraduhan kung makababalik pa sila sa kani-kanilang mga trabaho bunsod pa rin ng krisis dala ng pandemya.

Humihingi na rin ng tulong ang mga OFW na ito sa ating pamahalaan sa hirap ng kalagayan ng kanilang kinahaharap dahil hindi lamang COVID-19 ang pinoproblema nila sa ngayon kundi ang matinding gutom.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica