Astig! Tattoo artist, nag-alok ng serbisyo kapalit ng groceries
- Nag-alok ng kanyag serbisyo ang isang tattoo artist sa Cebu City kapalit ng mga groceries
- Ang kanyang malilikom ay ipamimigay niya sa mga taong labis na naapektuhan ng pandemic
- Labis daw itong naawa sa mga taong kinakapos na ngayong nahaharap sa krisis ang marami sa ating bansa
- Sa pamamagitan ng Cebu Barter Community ay marami na raw ang nagtanong sa kanya ukol dito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Isang tattoo artist sa Barangay Tisa, Cebu City ang nag-alok ng kanyang serbisyo kapalit ng mga groceries.
At ang kanyang malilikom ay mapupunta sa mga taong naapektuhan ng pandemic dulot ng novel coronavirus.
Ang kanyang gimik na ito para makatulong ay ibinahagi ng 35-anyos na si Tom Cabañesas sa Facebook barter group na Cebu Barter Community.
"RFB (reason for barter): All barter items will be given to those families, friends, relatives who have nothing and those affected by the crisis we are all facing."
Sa isang panayam sa Cebu Daily News, sinabi ni Cabañesas naawa raw siya sa mga kapitbahay at kaibigan na labis na naghirap dahil sa krisis na kinakaharap ng ating bansa.
"I pity my neighbors and friends who had nothing because they lost their jobs [due to the pandemic," anito.
Ayon dito, marami na raw ang nagtanong sa kanya ukol sa kanyang serbisyo dahil dito.
"There were are a lot who wanted to avail but they can’t enter our area because of the strict border control. So, I only prioritized those from Barangay Tisa," sabi nito sa panayam.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Nito lamang Lunes, June 8, 2020, nakatakda siyang magbahagi ng kanyang mga naipong groceries, 40 kilos ng bigas at P1,500 na cash.
Ang barter ay isang sistema ng palitan kung saan ang mga kalahok sa isang transaksyon ay direktang nagpapalit ng mga kalakal o serbisyo para sa iba pang mga kalakal o serbisyo nang hindi gumagamit ng isang daluyan ng palitan, tulad ng pera.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa isa pang report ng , isa namang netizen ang tumulong sa mag-amang kanyang nakilala sa daan. Ang mag-ama ay isa rin sa mga biktima ng krisis dulot ng COVID-19.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh