Magkapatid na sina "Jollibee" at "McDonald", binigyan ng graduation treat ng McDo PH

Magkapatid na sina "Jollibee" at "McDonald", binigyan ng graduation treat ng McDo PH

- Nag-viral ang graduation photos ng magkapatid na sina Jollibee at McDonald na binahagi ng isa sa mga naging estudyante ng kanilang ina

- Binigyan sila ng graduation treat ng McDonald's Philippines bilang regalo sa magkapatid na may kakaiba ngunit sikat na mga pangalan

- Natuwa rin ang kanilang pamilya sa munting selebrasyon na handog ng McDonald's sa magkapatid na isinunod ang pangalan sa mga sikat na fast food chain

- Maging ang mga netizens ay namangha sa kwento ng dalawa kaya naman nararapat lamang na sila'y mabigyan ng graduation treat mula sa McDonald's

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan ay nag-viral ang post tungkol sa magkapatid na sina Jollibee at McDonald Pangindinan.

Sa naunang ulat ng KAMI, nasabing hindi mga crew ng mga sikat na fast food chain ang dalawa.

Sadyang "Jollibee" at "McDonald" ang ipinangalan sa kanila ng kanilang mga magulang upang madali silang matandaan ng sinomang makakasalamuha nila.

Dahil dito, namangha ang netizens sa dalawa lalo pa at sabay silang nagtapos ng senior high school.

Maging ang mismong McDonald's Philippines ay napansin ang kwento ng dalawa kaya naman hinandugan nila ang mga ito ng graduation treat.

Sa kanila mismong Facebook page, binati nila ang magkapatid ang binahagi ang munting selebrasyon na hinanda nila para sa mga ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Magkaribal man sa pangalan, nagkakaisa naman sa pangarap! Congratulations to the twins Jollibee and Mcdonald Pangindian for recently finishing senior high school! Pinatunayan niyo na #WeGraduateAsOne. Dahil love namin kayo, may treat kami para sa inyong pamilya! #LoveKoTo," ang caption ng naturang post.

Bakas din ang kasiyahan sa pamilya ng magkapatid sa salo-salong natanggap ng mga ito.

Maging ang mga netizens ay namangha sa kwento ng magkapatid dahil aminado ang karamihan sa kanila na inakala nilang pawang mga crew ng mga sikat na fast food chain ang dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Seriously? akala ko doon sila nagtatrabaho as working students.. pangalan pala nila "
"Congrats sa inyo! dapat libre na kayo sa JOllibee at McDonald's forever"
"Wow! Nakaka touch Naman McDonalds! Kea love ko 'to e"
"Aaaww. Ang sweet naman ng Mcdo... napansin nila ang magkapatid"
"Akala ko crew sila pero names pala talaga nila ang Jollibee at McDonald, anyway congrats sa inyo"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel