Video ng kalagayan ni Francis Leo Marcos sa piitan, kumakalat online

Video ng kalagayan ni Francis Leo Marcos sa piitan, kumakalat online

- Kumakalat ang video na kuha kay Norman Mangusin o Francis Leo Marcos habang siya ay nasa piitan

- Matatandaang dinakip ng NBI si Mangusin dahil umano sa paglabag nito sa Optometry Law noong siya ay basta na lamang namigay ng libreng salamin sa mga taga-Baguio

- Sinundan na ito ng patong-patong pang kaso tulad ng paglikha at pagpapakat ng fake news sa social media na lumabag sa Republic Act 11469; violation of the Passport Law; violation of the Revised Penal Code sa hindi paggamit at hindi pagsisiwalat ng kanyang tunay na pangalan

- Sa kanyang video kung saan makikita siyang nakakulong, inamin niya ang tunay na pangalan ngunit pinalitan daw ito ng kanyang ina pagtuntong niya ng edad na 17

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang di umano'y video na kuha kay Norman Mangusin o mas kilala sa tawag na Francis Leo Marcos kung saan pinakikita ang kalagayan nito sa kulungan.

Matatandaang noong Mayo 19, inaresto ng NBI si Mangusin dahil umano sa paglabag nito sa Optometry Law nang mamahagi siya ng libreng eyeglasses sa mga taga-Baguio.

May larawan at video kasing nagpapakita na siya rin mismo ang tumitingin sa mga nais magkaroon ng libreng salamin.

Bukod pa rito, hinaharap din niya ang mga kasong estafa, qualified human trafficking, at violence against women ayon sa Rappler.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa naunang ulat ng KAMI, sinabi ring bukod sa mga nabanggit na kaso, nadagdagan pa ito ng paglikha at pagpapakat ng fake news sa social media na lumabag sa Republic Act 11469; violation of the Passport Law; violation of the Revised Penal Code sa hindi paggamit at hindi pagsisiwalat ng kanyang tunay na pangalan.

Sa video na kumakalat, inamin niya na Norman Mangusin nga ang kanyang tunay na pangalan.

Hanggang Grade 5 niya raw ito ginagamit ngunit nang siya ay may edad 17 na, Francis Leo Marcos na ang ipinagamit sa kanya ng kanyang ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang video na binahagi ng Pinoy Trending News:

Si Francis Leo Marcos ay nakikila sa social media dahil sa kanyang "mayaman challenge" na humahamon sa mga may kaya na mamahagi ng tulong sa mga nangangailangan nating kababayan na labis na naapektuhan ng krisis ng COVID-19.

Umabot na rin sa nasa isang milyon ang mga followers niya sa kanyang YouTube channel at karamihan daw sa mga ito ay kanyang natulungan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel